May 03, 2019

Anak, Ibinunyag ang Tunay Na Ugali Ng Nanay Niya Na Nasampal Niya ng Tsinelas!


Viral na viral ngayon ang kwento ng pamilyang Austria, dahil ang hidwaan ng kanilang pamilya ay umabot pa sa Aksyon sa Tanghali ni Raffy Tulfo. Walang pagsidlan ang galit ng netizens sa anak na si Kren Austria, na siyang napabalitang nanampal ng tsinelas laban sa sarili niyang ina. Ngunit nang magharap-harap sila sa barangay, marami ring ibinunyag si Kren at ang kapatid nitong si Irish tugkol sa tunay umanong ugali ng kanilang ina.

Kwento ni Kren, may isang beses daw na inaayos niya ang electric fan sa loob ng kwarto ng kanyang ina, nang bigla na lang daw siyang sinabunutan nito sa hindi malamang dahilan. Rason para kanyang tapikin si Nanay Magdalena, na napatimbwang at napaupo sa kama. Hinabol pa raw siya ng nanay niya para batuhin ng sapatos!


Alam ng lahat na mayroong mga ina na ganito magdisiplina sa kanilang mga anak. At bilang mga supling ay hindi naman talaga dapat gumaganti sa pagdidisiplina ng magulang. Ngunit sa pagkakataong ito ay si Nanay Magdalena na ang nagpakumbaba at nagpaumanhin sa kanyang mga anak. Ang sabi niya, gusto niya lang magkaayos silang pamilya dahil hindi maganda na nakatira sila sa iisang bubong nang walang pansinan.

Napakasimpleng hiling kung iispin, ngunit talagang nagmamatigas ang mga anak, lalo na ang bunsong si Kren na siya rin namang nanampal sa ina nang dahil lang sa sushi. Pinangaralan pa niya ang sarili niyang ina na dapat daw itong mag-sorry sa ate niyang si Irish, dahil lahat daw ng mayroon ang pamilya nila ngayon, ay si Irish ang nagpundar.


Sa kabilang banda, si Irish mismo ay lumambot na ang puso at nakipag-ayos na sa kanilang ina. Napuno ng luha ang mata ng mag-ina nang magkapatawaran sila. Nawa ay maimpluwensiyahan na rin niya ang nakababatang kapatid na huwag nang masyadong magmatigas sa kanilang nanay.

Panoorin dito ang buong pangyayari:


Source: Youtube