Si Fu Xewei ay isang 25-year-old na babaeng Chino. Kung may isang bagay lang na pinakamadaling maalala tungkol sa kanya, iyon na siguro ang desisyon niyang "pakasalan" ang sarili niyang Lolo! Wirdo ba? Mangyaring tapusin ang pagbabasa ng kanilang istorya upang maintindihan mo kung bakit niya napagdesisyunang gawin ito. Ang lolo ni Fe Xewei ay 87 years old na at dalawang beses na rin itong na-str0k3.
Dahilan ito upang labis na mag-alala si Fu Xewei. 'Yan ay dahil mahal na mahal niya ang kanyang lolo. Ngunit hindi sa malaswang paraan o iyong ipinagbabawal ng relihyon at kultura. Talagang mahal niya ito bilang kanyang lolo, at nalulungkot siyang isipin na baka mauna na itong pumanaw kaysa makita siyang ikasal suot ang napakagandang puting trahe de boda.
Paliwanag ni Fu Xewei, ang lolo niya ang pinakaimportantent tao sa kanyang buhay. At kahit na wala pa siyang kongkretong planong mag-asawa at magpamilya, ay hindi niya hahayaang hindi na maaalala ng kanyang mga magiging anak ang kanilang lolo sa tuhod.
At bukod sa mga nakaluluhang "wedding photos" na ito, ipina-tattoo din ni Fu Xewei ang mukha ng pinakamamahal na lolo sa kanyang braso. Sa ganitong paraan niya piniling alalahanin at pasalamatan ang lolong nagpalaki sa kanya sa mga panahong nagkanya-kanya ang kanyang mga magulang at walang naiwan upang mag-aruga sa kanya.
Ngayon, ano man ang mangyari ay lagi niyang babaunin ang napakagagandang alaalang binuo niya kasama ang Lolo.
Panoorin ang mga makabagbag-damdaming tagpo dito:
Source: Youtube

