Kung ikaw ang aalukin ng trabaho na ang kikitain mo lang ay P450 sa isang araw, papatusin mo ba? Siguro, gagawin mo kung hindi ka nagbuhos ng maraming oras at pera para makapagtapos ng kolehiyo? Pero paano naman kung ginawa mo iyon? Kaya mo bang tumanggap ng pasahod na P450 pesos lang sa isang araw o P9,000 sa isang buwan kung mayroon kang college degree?
Iyan ang mismong punto ng netizen na si Crissa Nulud sa kanyang Facebook post. Pinagtatawanan at pinagsasabihan nito ang mga employer na huwag mag-require ng diploma sa college kung ganoon lang naman kababa ang inaalok nilang pasahod. Napakaraming na-trigger sa post na ito. Mayroong mga tutol sa kanyang pinaglalaban, ngunit marami rin ang sumang-ayon sa kanya!
Mapapansing ang mga tumutol kay Crissa ay iyong may mga katandaan na, o iyong tinatawag na mga Baby Boomers. Sa opinyon nila, masyado raw entitled ang mga millennials para mag-demand agad ng malaking sahod gayong kaka-graduate pa lang nila! Sabi pa nila na desisyon ng mga boss kung magkano lang ang gusto nilang ipasahod. Kung anu-ano ang itinawag nila kay Crissa, kabilang na diyan ang brat daw siya dahil fresh grad pa lang ay arogante na.
Doon na lamang ibinunyag ni Crissa na hindi naman siya bata, at hindi rin fresh grad. Ang totoo niyan, 2013 pa gumraduate ang babaeng ito. May pamilya na rin siya, bahay, at kotse. Kaya nag-follow up post pa ito kung saan pinagtawanan niya ang mga nanghusga agad sa kanya nang hindi muna inaalam ang kalagayan niya sa buhay.
Ngunit sino nga ba naman ang kayang pagkasyahin ang kinikitang P9,000 sa isang buwan? Siguro kung noong 19-kopong kopong ay kayang kaya, hindi na sa panahon ngayon! Napakamahal na ng maraming bagay at hindi talaga kayang bumuhay ng tao ng minimum wage.
At isa pa, hindi rin nga naman minimum wage lang na P450/day ang inaalok sa mga tapos ng kolehiyo!
Kung kayo ang tatanungin, sang-ayon ba kayo sa binanggit ni Crissa sa kanyang post? Bakit o bakit hindi? Sabihin sa amin sa comments section sa ibaba.
Source: rach feed
