Hindi pa man tanyag sa buong mundo si Senator Manny Pacquiao ay buong-puso nang nakasuporta sa kanya ang inang si Mommy Dionisia. Kaya naman sa kabila ng lahat ng narating ng tanyag na boksingero ay hindi niya rin nakakalimutang bumawi sa lahat ng pagmamahal, tulong, at suportang nakuha niya sa kanyang ina.
Taun-taon nga ay bonggang bongga ang birthday celebration ni Mommy D, at laging magagara ang mga regalong kanyang natatanggap mula sa anak! Kamakailan lang ay nagdiwang si Dionisia Pacquiao nang kanyang ika pitumpung kaarawan, at nagkaroon na naman ng magandang rason ang senador para i-spoil ang kanyang ina!
Sa mga litrato pa lang na pinost nina Manny at Jinkee Pacquiao sa Instagram ay napakalaki na ng ngiti ni Mommy D. Ang surpresa kasi ng anak niyang si Manny ay ito: napagsama-sama niya muli ang buong pamilya -- lahat ng anak ni Mommy D ay naroon upang ipagdiwang ang kanyang kaarawan. At nagsama pa ang mga ito ng kani-kaniyang mga asawa, anak, o kaibigan!
Sa pagtanda kasi ng mga tao, mas nagiging importante na sa kanila ang oras na makasama ang kanilang mga mahal sa buhay sa halip na kung anong mamahaling gamit na pang-regalo. Kaya ang mga magulang ay masaya nang nakukumpleto ang pamilya sa mga mahahalagang araw kagaya nito. Dahil yan may kanya-kanya na rin namang buhay ang mga anak, lalo na si Manny na busyng busy. Sa pagbibigay nila ng oras para ipagdiwang ang kaarawan ng ina ay talagang napakita nila kay Mommy D na mahal na mahal nila ito!
Kaya sana ay matuto tayo sa halimbawa ng senador. Pahalagahan natin ang ating mga magulang at pamilya habang nandito pa sila. Minsan lang naman sa isang taon ang mga pagkakataong kagaya ng kaarawan, Pasko, o Bagong Taon. Kahit man lang sa mga araw na ito ay siguruhin nating kasama natin ang ating mga mahal sa buhay!
Tignan dito ang bonggang selebrasyon ni Mommy D:
Source: Youtube