July 23, 2016

VP Leni Robredo Umakyat ng Bundok


Sobra-sobra ang kasiyahan ng mga Bicolano ngayon dahil umuwi si Vice-President Leni Robredo sa Camarines Sur. Ito'y matapos niyang tinanggap ang cabinet position na inalok ni President Rodrigo Duterte.

Halos alas-utso na ng umaga kanina ng makarating si Robredo. Salungat ng nakagisnan, si Robredo ay sumakay ng eroplano papunta sa siyudad ng Naga.

Ang Mt. Isarog National Park sa bayan ng Ocampo ang unang niyang pinuntahan, para kausapin ang humigit o kumulang 40 na mga residente na naninirahan doon.

Suot ang tsinelas, naakyat ng bise-presidente ang delikado sa disgrasya na daan ng Brgy. Del Rosario sa loob lamang ng isang oras, kung saan naka-abang ang mga residente na gustong ipaabot ang mga pangagailangan sa nasabing opisyal.

Ayon sa ulat ng Bombo Radyo, sa kalagitnaan ng kanyang pakikipag halu-bilo sa mga naninirahan doon, ay sarap na sarap naman itong kumakain ng nilagang saging.

Paasa pa ni Leni, na sisiguradohing patuloy parin ang mga residente na maninirahan sa loob ng National Park, kahit sa kabila nito'y, mahigpit itong ipinagbabawal ng batas.

Dagdag pa ni Robredo, na ito'y ipapaabot nya sa Department of Environment and Natural Resources (DENR), upang hingin sa departamento ang payagan na manirahan ang mga residente at hayaang nitong mabantayan ang kabundokan ng Isarog.

Idinagdag pa niya ang planong bigyan ng sementadong daan, para hindi mahihirapan ang mga residente sa pagbaba, lalong-lalo na ang mga estudyante.