August 15, 2016

Pres. Duterte, binisita ang Metro Manila at ilang bahagi ng lugar na binaha


Inikot ni Pangulong Rodrigo Duterte ang mga naapektohan na lugar sa Metro Manila bunsod ng habagat.

Gamit ang presidential chopper, personal na binisita ni duterte para sa aerial inspection ang Pasig River, Marikina, at ang La Mesa Dam na ibinalitang umaapaw na ang tubig.

Kasama ng pangulo sa inspeksyon sina, Social Welfare Secretary Judy Taguiwalo, Executive Secretary Salvador Medialdea, Metro Manila Development Authority Chairman Emerson Carlos at Defense Secretary Delfin Lorenzana.

Pinulong muna sa MalacaƱang Golf Club ni Duterte ang mga opisyales ng National Risk Reduction and Management Council bago isinagawa ang inspeksyon sa lugar kaninang alas 11:00 ng umaga.

Pinatiyak ng pangulo na mabigyan ng agarang tulong ang mga apektado ng ulan at baha.