Inaasahang pupunta sa Davao City si Sen. Antonio Trillanes IV ngayong araw, January 15 para dalohan ang arraignment ng kasong 'libel' na isinampa laban sa kanya sa Regional Trial Court.
Ayon sa impormasyon na nakalap ng Brigada News Davao, hindi pa makompirma kung personal na magsadya ang senador sa sala ni Judge Melinda Alconcel-Dayanghirang ng Davao City Regional Trial Court Branch 54.
Samantala, naglabas naman ng maikling katanungan si dating Davao City Vice Mayor Paolo "Pulong" Duterte sa kanyang Facebook account matapos makarating sa kanya ang balita.
“May tomato throwing ba daw ugma? Unsay naa? Kinsay muabot? Apil sa piyesta sa Sto. Nino.”
Reaksyon pa ng ilang taga suporta ng dating opisyal, direktang tirada ito para kay Trillanes.
Matandaang, noong December 2018, naglabas ng apat na 'warrants of arrest' si Judge Dayanghirang ng Regional Trial Court para sa magkahiwalay na 'libel complaints' na inihain ng presidential son at ng presidential son-in-law Manases Carpio noong Setyembre nakaraang taon laban kay Trillanes na agad namang niyang pinyansahan.
Source: Brigada News Davao