Napakasakit para sa batang si Lovely Jane na malamang pagkatapos ng ilang taon niyang paghihintay at pangungulila ay bangkay nang uuwi sa kanya ang minamahal na ina. Umalis ang nanay ni LJ para magtrabaho sa Kuwait para din mismo sa kanya -- nang sa gayon ay magkaroon siya ng magandang buhay kahit wala na siyang ama
Napabalitang iuuwi na ang mga labi ng ina ni LJ ngayong araw, ngunit hindi pa alam ng bata ang kanyang gagawin. Talagang napakabata pa nito para pagdaanan ang ganito kabigat na bagay, ngunit ngayon ngang nangyari na ay wala naman siyang ibang magawa. Kaya lumapit na lang ito sa tanggapan ni Raffy Tulfo, na agad namang nangako na sasamahan ang bata sa pagsalubong sa kanyang ina.
Doon pa lang ay makakaasa na ng suporta ang batang ito na hindi na malaman ang gagawin at mararamdaman sa mga oras na ito. Ngunit bukod sa suporta ay may mas malaking pangangailangan si Lovely Jane ngayon -- hustisya.
Nang una kasing ibalita ang pagpanaw ng kanyang ina, natural causes lang ang binigay na dahilan ng embahada ng Pilipinas sa Kuwait. Mas madali pa sigurong tanggapin kung ganoon nga ang lagay, pero hindi. Napag-alamang pinagmalupitan ng amo ang kanyang nanay hanggang sa humantong na nga ito sa kamatayan.
Ngunit kung hindi nakadeklarang napatay ang kanyang ina, anong hustisya ang maaasahan ni LJ? Paanong may mananagot kung natural causes ang nakatalang dahilan ng pagkawala ng nanay niya!
Agad tumawag si Tulfo kay Secretary Bello ng DOLE. Naningil ito ng kasagutan sa kung bakit hindi agad inilantad na mayroong nakapatay sa OFW na ito sa Kuwait. Sinabi ni Tulfo na kailangang kailangang mapanagot ang gumawa nito, at kung maaari ay ang pamahalaan dapat natin ang kumilos upang masiguro na mabibigyang hustisya ang kasong ito.
Panoorin dito ang mga eksenang siguradong dudurog sa inyong mga puso:
Source: Youtube