May 25, 2019

Kahit si Angeline Quinto ay Napaiyak sa mga Rebelasyon ni Vice Ganda Tungkol sa Kanyang Pagkabata!



Nitong mga nakaraang linggo ay nakatanggap ng napakaraming pagpupuna si Vice Ganda dahil sa diumano'y pagyayabang nito sa kanyang yaman at estado sa buhay. Noong kasagsagan kasi ng eleksyon ay hindi ito masyadong nagsasalita tungkol sa pelikula bagkus ay puro pagkkwento tungkol sa sarili ang inatupag ng komedyante, bagay na hindi nagustuhan ng maraming netizens sa Twitter.

Sabi kasi ng iba, napaka-privileged daw mag-isip ni Vice kaya minsan ay nagiging insensitibo ito sa pinagdadaanan ng ibang tao. Imbes daw kasi na makialam sa nangyayari sa kanyang bansa ay parang nakalutang sa ulap ang ulo ni Vice Ganda. Ngunit kamakailan lang ay sinagot ni Vice ang ganoong mga paratang, at dahil dito ay marami siyang napaiyak, kabilang na nga ang ilang mga sikat na artista at personalidad kagaya na lang ni Angeline Quinto.


Sa isang post ni Vice Ganda sa Instagram, makikita silang dalawa ng kanyang ina sa harap ng Sagrada Familia sa Barcelona. Ngunit imbes na magalit ang mga netizens sa tila isa na namang pagmamayabang ng komedyante, ay nabilib na lang ang mga ito sa kwento niya.

Sabi ni Vice, masayang masaya na raw siyang napagbibigyan niya ang mga kapricho ng ina, kabilang na diyan ang mapasakay ito sa eroplano, at sa business class pa man din, upang mapuntahan ng matanda ang lahat ng lugar na gusto nitong makita sa buong mundo.



Simpleng sukli niya na raw ito sa kanyang nanay na lagi namang nagsasama sa kanya sa kung saan saan nung siya ay bata pa. Kahit daw madalas ay naglalakad lang silang dalawa, tuwang tuwa na si Vice na nakakakita at nakakapasyal sa iba't-ibang lugar!


Kaya ngayong may kakayanan nang kumita ng malaki-laki si Vice ay siya naman ang nagkukusang alukin ang mahal na ina na gumala sa buong mundo. Hindi ba't nakakabilib naman si Vice sa eksenang ito?


Source: Youtube