Alam ng lahat na pribado na ang buhay na ginagampanan nina Ellen Adarna at John Lloyd Cruz sa ngayon. Kahit napakaraming mga tsismis ang kumakalat tungkol sa kanila sa araw-araw, nananatiling tikom ang bibig ng magkarelasyong ito. Maging sa balitang naipanganak na raw ni Ellen last year ang anak nila ni JLC, hindi rin kinukumpirma ng dalawa.
Ngunit nitong weekend lang ay nakipagbonding sa kanilang munting pamilya si Beauty Gonzales, na ngayon ay namamayagpag ang karera. Kaya naman hindi nakaligtas sa mata ng netizens ang ilan sa mga kontrobersyal na kuhang shinare ni Beauty sa Instagram-- habang nangyayari mismo ang weekend bonding nila!
Matagal nang matalik na magkaibigan sina Beauty at Ellen, ngunit tila family bonding talaga ang naganap noong weekend dahil kasama rin ni Beauty ang asawang si Norman Crisologo, pati ang 3 year old na anak nilang si Olivia.
Sa isang picture ay makikitang nakasalampak sa sahig ang magkakaibigan, at may katabing batang lalaki si Olivia. Hindi pa rin nakaklaro sa ngayon kung ito na nga ba si Elias Modesto, ang anak nina Ellen at JL na ipinanganak noong nakaraang taon!
Ngunit kahit double family bonding ang naging naging dating ng kanilang pagkikita, mukha namang nakapag-catch up talaga ng maigi ang mag-bestfriend na Beauty at Ellen! Ang unang story na pinost pa nga ni Beauty ay selfie nila ni Ellen habang umiinom ng wine, na kanyang cinaption-an ng "Mama Happy Hour"
Marami pa silang ibang selfie kung saan gumamit pa sila ng iba't ibang filter kagaya nito:
Sa ibang picture ay makikita rin na masayang kumakain si John Lloyd, na halatang kampante at kuntento talaga sa buhay na pinili kasama si Ellen at ang kanilang munting pamilya. Masayang pagmasdan na sa kabila ng lahat ng pagpupuna ng ibang tao, maraming kaibigan ang nananatiling nakasuporta sa mga desisyong ginawa nina JLC at Ellen sa kanilang mga buhay-buhay!
Source: PEP


