May 28, 2019

Laking Gulat ng Lalaking Ito Nang Malaman Kung Sino ang May-ari ng Nahanap Niyang Wallet na 71 Years Nang Nawawala!



Habang nirerenovate ang Talent Factory Theater sa Nevada, hindi inaashan ng mga manggagawa na doon na may mahahanap silang bagay na napakalaki ng halaga. Doon sa pagitan ng mga pasilyo ay namataan nila ang isang wallet na marumi na't napag-iwanana ng panahon. Ngunit wala naman itong malaking perang laman kaya nasabi ng mga construction worker na malaki ang halaga ng kanilang nakita.

Balot man ng alikabok ay nasa maayos na kalagayan ang wallet. Wala itong sira, at mukhang talagang matibay. Kaya sa una ay inakala ng mga trabahador na kailan lang nahulog doon ang wallet. Walang ni isa sa kanila ang nakahula nang tama kung ano ang totoong edad na ng wallet na iyon!


Nagulat na lang sila nang makitang may laman itong kalendaryo na mula pa sa taong 1944! Ibig sabihin, nasa 71 years nang nawawala ang wallet bago nila ito nakuha! Laking gulat pa nila nang  may mahulog na ilang piraso ng World War II food stamps mula sa wallet, tanda na galing pa talaga ito sa sinaunang panahon!

Nakakabilib nga naman ito dahil kagaya ng sabi nila, hindi naman mukhang sobrang luma na ang wallet na kanilang napulot.

Isa pang bagay na nakuha nila mula sa wallet ay ilang Boy Scout credentials. Ibig sabihin nito, bata pa ang nakapulot ng wallet  na ito noong unang panahon, kaya mayroon pang pag-asa na buhay pa siya sa ngayon, at baka muli pang maibalik sa kanya ang wallet na nahulog niya 71 years ago!

Ang kailangan na lang ng mga trabahador.. ay identipikasyon.


Swerte na lang nila nang makita itong ID, na may nakasulat na "Clare McIntosh" sa ibabaw.  Sa wakas ay mayroon na silang paraan upang mahanap ang may-ari ng wallet na ito!  Kung ikaw siya, matutuwa ka ba kung maibabalik sa iyo ang wallet na nahulog mo noong 1944? O iisipin  mong abala na lang na ibabalik pa ito ngayon saýo?



Panoorin dito:


Source: Youtube