May isang mag-asawang nagviral noong 2015, matapos nilang mapagdesisyunan na palakihin ang kanilang mumunting pamilya. Nagpunta ang tatay sa isang orphanage, kung saan isang maliit na red head ang naghihintay agad sa kanya. Dahil sa ampunan na lumaki ang bata, hindi pa ito sanay makisalamuha sa tao at tahimik lang siyang nagmamasid. Habang nasa kotse pauwi, nakatingin lang ito sa labas ng bintana. Hanggang sa magbukas ng snacks ang tatay. Nakuha nito ang atensyon ng bata, ngunit hindi pa rin siya nagsasalita. Inabutan na lang ng isang pirasong biskwit ng tatay ang kanyang ampon, at bumalik lang ulit ito sa pagtingin sa labas ng bintana.
Nang makarating sila sa wakas sa bahay ng mag-asawa ay nadatnan nilang naglalaro ang nanay at ang kaisa-isang anak ng mag-asawa. Pitong taong gulang pa lang ang anak nilang si Trixie, at sa unaý kinabahan ang mag-asawa na baka hindi nito magustuhan ang desisyon nilang mag-ampon. Ngunit pagkakitang-pagkakita pa lang ni Trixie sa bago niyang kapatid ay agad niya itong nilapitan at niyayang maglaro!
Binigay niya rin sa batang ampon ang isa sa kanyang mga manika, na naging paborito naman ng red head. Kasama niya pa ito sa pagtulog at kahit saan siya magpunta.
Lumipas ang ilang taon at naging masaya naman ang pamumuhay ng bata kapiling ang pamilyang umampon sa kanya. Ngunit nitong nakaraan lang ay parang tumamlay ang kanilang pakikitungo sa kanya! Nagsimula ito nang matabig ng bata ang isang basong wine, na nagmantsa naman sa puting tela ng kanilang hapag-kainan. Nasigawan ng nanay ang kanilang ampon, at muli ay bumalik ito sa pagiging tahimik at tila takot nang makipaglaro.
Paminsan-minsan ay sinusubukan pa rin ng ampon na makipaglaro sa pamilya, ngunit unti-unti niya nang nararamdaman na hindi naman talaga siya bahagi ng pamilyang iyon. Minsan ay sinubukan niyang kulitin ang nanay habang may ginagawa ito sa kusina. Desperado na kasi siya sa pagmamahal at kalinga na kailangan ng lahat ng bata. Ngunit nagalit lang ang nanay niya.
Sunod niyang pinuntahan ang tatay na busy sa kanyang computer. Ngunit imbes na makipaglaro sa kanya sa labas gaya ng ginagawa nila dati, isinakay siya muli nito sa kotse. Tuwang tuwa naman ang ampon dahil akala niya''y ipapasyal siya sa malapit na park!
Ngunit ang tanging ginawa ng tatay ay hinagis sa malayo ang paboritong manyika ng ampon. Habang tumatakbo siya upang kunin ito, dali-dali nang nag-drive papalayo ang kanyang tatay.
Hindi inaasahan ng tatay na ito ang kanyang makikita sa rearview mirror nang icheck niya kung sinubukan ba ng batang ampon na humabol sa kanya:
Ipinapakita lamang ng short film na 'Gift' kung gaano kasakit para sa isang aso ang bigla na lang siyang iwan o iligaw magtapos magbigay ng ligaya sa pamilyang umampon sa kanya. Dahil ang pag-aampon ng aso ay parang pag-aampon lang din ng bata!
Panoorin ang buong pangyayari dito:
Source: Youtube