May 19, 2019

Misis, Ikinama ang Boss Niya, Pati Boss ng Asawa Niya! Hindi Tuloy Malaman Kung Sinong Ama ng Anak na Dinala Niya!



Malaki ang sama ng loob ng lalaking ito sa misis niya, dahil sa patung-patong na kasalanang ginawa na nito sa kanya. Marami sa mga ito ang ipinagwalang-bahala niya sa matagal na panahon ngunit nang magkaroon na ng mga katanungan tungkol sa pagkatao ng kanilang anak ay hindi niya na ito mapalampas. Kaya sa wakas ay nagdesisyon na siyang umaksyon, sa tulong na rin ni Raffy Tulfo.

Sa kwento ng lalaki, dalawa ang naging kabit ng misis -- ang boss niya sa trabaho, at ang mismong boss ng asawa niya. Napakalupit nga raw ng babae dahil pinagsabay niya pa ang dalawa!


Mahirap hindi maniwala sa mga reklamo ng lalaki dahil kumpletos rekados ito pagdating sa ebidensya. Kaya naisip na rin ni Raffy Tulfo na tulungan siya, lalo na noong ikwento ng mama ang nangyari noong panahong manganganak ang misis niya. Pagdating niya raw sa ospital ay hindi siya pinapasok, gawa ng isa lang daw ang pwedeng bisita na makakasama ni misis sa loob.

At oo, tama ang hula ninyo: nauna pa at napapasok bilang bantay ang isa sa dalawang kabit ni misis. Ang sakit 'di ba? At ito pa ang malupit: hindi din daw pumayag ang misis niya na sa kanya ipangalan ang apelyido ng anak. Iyan ay dahil parehas inaako ng dalawang kabit ng babae na sa kanila raw ang bata.


Bukod daw sa kanyang misis ay masama din ang loob ng lalaking ito sa kanyang boss, dahil napakabuti pa nito kung makitungo sa kanya. Wala siyang kaalam-alam na inaahas na nito ang misis niya sa kabila ng kabaitan niya!


Isipin niyo na lang, sa kanya kasal ang babae pero may dalawa pang ibang lalaki na umaangkin sa batang akala niya ay anak niya! Sa ngayon ay hindi pa nakukuha ni Tulfo ang panig ng babae, ngunit inaaksyunan na nila ang nangyari. Panoorin dito kung paano ito ginawa:


Source: Youtube