Mayroon tayong kasabihan na ang hindi marunong lumingon sa pinanggalingan, hindi makararating sa paroroonan. Pinatutunayan ng kasabihang ito ang kahalagahan ng pagpapakumbaba. Marami sa mga taong sumikat, yumaman, o sinwerte sa buhay ang nakakalimot sa mga taong nakasama at nakatulong sa kanila noong sila ay walang-wala pa.
Ngunit hindi rin naman lahat ay ganoon. Kagaya na lang ng pamilya Pacquiao. Napakalayo na ng kanilang narating ngunit ni minsan ay hindi sila nakalimot sa mga dating kapitbahay at kaibigan sa Sarangani kung saan galing ang mag-asawa. Sa mga pagkilos ni Manny Pacquiao sa Senado ay madalas nitong isaalang-alang ang mga probinsyang pinaggalingan. At kamakailan lang ay nag upload si Jinkee ng mga litrato kasama ang dating mga kapitbahay sa Sarangani!
Halata sa mga ngiti ni Jinkee Pacquiao na namiss niya ang mga ito. Siguradong minsan na lang sila makapagkita-kita dahil sa ibang lugar din naman itinayo ng mag-asawa ang kanilang magarang mansion. Ngunit mapapansin na parang walang nagbago sa pakikitungo nila sa isa't-isa. Ganyan nga siguro kapag ang isang tao ay walang yabang sa katawan.
Tinanggap din naman ulit ng mga kapitbahay si Manang Jinkee, na para bang walang nagbago. Parang siya pa rin ang dating simple nilang kapitbahay.
Matututunan dito na hindi dapat masyadong maging malayo ang ating tanaw, kahit totoong malayo na ang ating narating. Kung kaya ng mag-asawang Pacquiao na magbalik-loob sa kanilang mga dating kaibigan ay walang dahilan para tayo ay makalimot sa mga taong matagal nang nasa ating piling.
Sa katunayan, maging si Manny Pacquiao ay ganito rin makitungo sa mga mahal niya sa buhay. Busy man sa pagkasenador at sa pagiging boksingero, sinisiguro nitong uuwi siya para sa mga mahahalagang okasyon kagaya ng kaarawan ng kanyang ina, Pasko, o Bagong Taon. Ito nga talaga ang marka ng isang mapagmahal at mapagkumbabang tao. Panoorin dito ang kwento nila:
Source: Youtube