May 15, 2019

Nagulat Ang Lahat ng Mapabalitang Binastos ni John Lloyd Cruz si Alden Richards sa Post na Ito!



Ang mga kaibigan nating mapagbiro ay talagang masaya kasama. Ang mga biro nila ay nakakapagpaligaya ng kung ano mang okasyon o gala ng barkada. Ngunit minsan, may mga pagkakataon lang talaga na hindi nalulugar ang pagbibiro. Lalo na kung ang isang kaibigan ay may pinagdadaanang matindi o di naman kaya ay mabigat ang nararamdaman.

Ito ang dahilan kung bakit umaani na naman ng kritisismo ang kontrobersyal na aktor na si John Lloyd Cruz dahil sa comment niyang ito sa post ni Alden Richards. Sa unang tingin ay parang wala namang masama. Makikita kasing tila nasa taas ng bundok si Alden at ito ay nakaupo malapit sa matulis na bahagi ng bundok o bato.


Kaya ganito na lang ang naging comment ni John Lloyd: "Sakit sa pwet men? Hahaha" Sa unang tingin ay nakakatawa naman talaga ang biro ni John Lloyd. Ngunit kung titignan ang orihinal na post ni Alden Richards ay mapapansing tila wala ito sa lugar. Noong Araw ng mga Ina kasi ay ibinunyag ni Alden kung gaano siya nangungulila sa kanyang inang pumanaw na.

Sabi ni Alden, talagang namimiss niya na ang kanyang ina, at ngayon nga'y naipon na ang kanyang mga kwento. Siguro ay walang patid ang mga gusto niyang sabihin sa ina, kung kasama niya lang ito ngayon. Gumamit pa siya ng isang sikat at makabagbag-damdaming linya mula sa Avengers-- ang Love you 3000.


Madamdamin at emosyonal itong post ni Alden, kaya hindi maintindihan ng mga netizens kung bakit dito pa napiling magbiro ni John Lloyd, na parang hindi niya alam kung gaano ka-totoo ang nararamdaman ni Alden.

Sabi ng iba, talagang inilabas na ni John Lloyd ang tunay niyang kulay matapos niyang magtago nang napakatagal sa imahe ng isang "good boy." Mayroon din namang nagsasabi na baka gusto lang patawanin ni John Lloyd ang kaibigan, kaya niya naisipang magbiro ng ganoon.


Kayo, ano ang masasabi ninyo tungkol dito?



Source: Youtube