Noong tunay na bata pa ang mga Batang '90s, sikat na sikat pa si Mystica. Siya ay kilala bilang Split Queen at palaging lumalabas sa mga pelikula at palabas sa TV. Yan ay totoo noong mga maagang 2000s pa lang. Ngunit ngayon ay talagang nahihirapan na si Mystica na mamayagpay ang kanyang karera.
Kamakailan lang ay sinubukan pang buhayin ang karera ni Mystica nang siya ay napasali sa cast ng very successful na palabas ni Coco Martin, "Ang Probinsyano." Ngunit kung mapapansin ay hindi rin ganoon kaganda ang kanyang paglabas sa teleseryeng ito. May magandang dahilan kung bakit nangyari iyan.
Ayon na rin sa mga nakatrabaho niya sa proyektong ito, hindi naging propesyunal si Mystica sa pagtatrabaho sa palabas na ito. Madalas daw itong dumating ng late sa kanilang mga taping. Hindi rin daw nito ugaling isaulo ang kanyang mga linya, dahilan upang ma-delay ang kanilang shooting.
Maaaring mapatawad ang ganitong pag-uugali siguro kung ikaw ay artistang bata, maraming proyekto, at talagang in-demand pa. Pero sana ay naisip na lang ni Mystica na mas kailangan niya ang palabas na iyon kaysa siya ang kailangan nila. Namamayagpag Ang Probinsyano at sayang na hindi niya naisama ang sarili sa paglipad na ito.
Bago pa pala ang lahat ng ito ay marami na ring nagawang hindi magandang desisyon ang babae. Noon daw kasing maluwag pa ang dating ng pera sa kanyang buhay ay kung saan saan niya naman ito ginamit. May mga investment siya na hindi pinag-isipang mabuti, at hindi niya ito masyadong inintindi.
Yan ay dahil akala niya, habambuhay nang ganoon kaluwag ang dating ng pera sa kanyang buhay. Ngunit dumating ang araw na nahirapan siya, at hanggang ngayon ay nahihirapan na ngang bumangon.
Sa totoo lang ay napakalungkot ng nangyari kay Mystica. Kung gusto mong malaman ang buong istorya, panoorin ang kwento ng kanyang buhay dito:
Source: MSN