May 17, 2019

Sobrang Yaman! Robin at Mariel Padilla, Nag-Boating sa Sariling Bahay Kasama ang Anak!



Kung sa ibang mayayamang bahay ay sapat nang bonding ng pamilya ang kumain ng masarap na hapunan o manood ng pelikula sa kanilang home theater. Ngunit ngayon ay napatunayan ng pamilya nina Robin Padilla at Mariel Padilla na iba ang yaman ng kanilang pamilya! Sa Instagram ay shinare ni Mariel ang latest na bonding ng kanilang pamilya para malabanan ang init ng tag-araw.

Alam naman ng lahat na mayroon silang swimming pool sa bahay ng mga Padilla. At dahil masyado pang maliit si Maria Isabella para mamangka sa mismong dagat o ilog, napag-isipan ni Robin na regaluhan na lang ng bangka ang anak para sa bahay na lang nila gawin ang pamamangka ngayong tag-araw! Bongga, 'di ba?


Maging ang mismong swimming pool nila ay pumukaw sa atensyon ng mga netizens. Napakalaki kasi ng pool na ito na parang sa resort siya nakalagay! Mayroon pang makitid na channel na nagkakabit sa dalawang malalaking pool!


Kung nakapunta na kayo sa Venice Canal sa McKinley ay aakalain mong doon ang bahay nina Mariel! Napahanga ang mga netizens dahil maganda ang pagkakagawa, at halatang magaling ang architect ng bahay nila!


Sa daming anak ni Mariel na nalaglag, si Maria Isabella lang ang nabuhay. Kaya naman halatang mahal na mahal ito ng mag-asawa at lahat ng gustuhin ng munti niyang puso ay talagang ibibigay nila. Iyan na nga ang pinakanakakabilib na bahagi ng buong pangyayaring ito. Napakaswerte ng kanilang unica hija dahil ang pagmamahal ng kanyang magulang ay talagang solo lang niya.

Mukhang napakaganda rin ng pagpapalaki sa batang ito. Kahit nakukuha niya ang lahat ng hilingin ay hindi siya spoiled, at mukhang mapagmahal din sa kanyang pamilya. Nakakataba ng puso na makitang successful ang nabuong pamilya ng mga Padilla, kahit anong laki at bigat pa ng mga problemang dumaan sa kanila noon!


Panoorin ang nakakatuwa at nakakainggit na bonding ng pamuilya nila dito:
Source: Youtube