May 17, 2019

Bugbog-sarado ang Lalaking Ito Matapos Gisingin ang Kanyang Tropa Para Yayain Sana sa Inuman! Aray ku po!



Good time lang sana ang hanap ng 40-anyos na si Romeo de Guzman, ngunit ayaw niya namang uminom nang mag-isa! Kaya naisipan niyang gisingin ang kanyang kaibigan na noon ay mahimbing nang natutulog! Hindi niya inasahang mapipikon ang kaibigan sa kanya, tuloy ay nabugbog-sarado ang mama!

Humandusay ito sa kalsada at kinailangang tulungan ng ilan sa kanilang mga kapitbahay na makabangon muli, matapos magtamo ng ilang sugat at sakit ng katawan dahil sa pambubugbog! Grabe nga talaga ang inabot ng lalaking ito kahit inuman lang naman sana ang kanyang habol! Sino nga ba naman ang hindi maiiyak kapag sa kanila ito nangyari?


Ayon sa ulat ng pulis, nakainom na rin kasi ang ang kaibigan niyang iyon, kaya nga mahimbing at masarap na ang pagkakatulog! Kaya ang payo ng pulis, itulog na lang kasi ang kalasingan at huwag nang piliting maghanap ng iba pang kainuman!

Siguro ay napakaganda na ng tinatakbo ng panaginip ng kaibigang nagising ni Romeo, kung kaya bugbog ang kanyang inabot! Ngunit nakakasama nga naman ng loob ito. Isipin mong ikaw na nga itong niyaya para makapag relax relax, ikaw pa ang may ganang mambugbog! Maaalalang may napabalita din noon na nambugbog din ng kanyang tropa dahil hindi naman nayaya sa inuman!


Siguro ay magsisilbing leksyon na lang din ito na kung minsan, mas maigi pang uminom mag-isa kung talagang wala nang ibang makasabay sa tibay mo sa pag-inom! Habang tulog na ang mga kaibigan mo ay mag solo flight ka na lang siguro sa pagtoma.


Sa kabila ng lahat, hindi naman daw magkakaso si Romeo laban sa kaibigan, lalo pa't nangako naman daw ito na sasagutin ang kanyang pagpapagamot. Sana ay humirit na rin si Romeo na sagutin na rin ng kaibigan ang next round ng kanilang inuman para makabawi-bawi naman sa ginawa sa kanya ng tropa!

Source: Balitambayan