July 19, 2016

Duterte hindi bumisita sa Muntinlupa at walang clearing sa vendors - Ayon sa LGU


Ayon sa local na gobyerno ng Muntinlupa City noong Lunes, Hulyo 18. Kinumpirmang hindi ito totoo na sekretong nagpunta si Presidente Rodrigo Duterte sa siyudad para manmanan ang sitwasyon ng trapiko doon.

Ayon sa ulat ng GMA News sa kanilang website online, nakausap nila si Public Information Officer Tez Navarro sa isang phone interview at kinumpirma na walang katotohanan ang post ng isang Facebook page na nag viral noong Linggo ng gabi.

Nakasaad sa viral post, na si Duterte ay sekretong nag-mamaneho ng kanyang motorsiklo paikot sa lugar ng Muntinlupa at napansin ang mga nagtitinda na naging dagdag-dahilan ng paglala sa trapik ng pampublikong merkado sa lugar. Ito ang ilan sa laman ng post:

"Digong told Fresnedi he wanted all the vendors out of the streets and inside the market selling area. The last 2 days, no traffic and extremely peaceful to walk around the market area."

Itinanggi ito ni Navarro, ayon sa ulat at pakikipanayam ng GMA sa kanya.

"How we wish (Bibisita siya - Duterte). We will be honored to have the President in Muntinlupa." Sabi ni Navarro.

Ayon sa ulat ng GMA sa kanilang website, ang sinasabing post ay naibahagi na ng di humigit-kumulang 17,500 at may mga likes na 36,300 noong 7:20 ng gabi mula nang mai-post at kumalat ito.

Ayon naman sa tweet ng @OFFICIALMUNTI.

May sinasagawa silang operasyon noon pang Hulyo 12, sa Alabang. Ang Mayor na si Jaime Fresnedi ay hindi nakasama dahil pumunta ito sa World Cities Summit in Singapore.

Dagdag sa ulat ng GMA, sinubokan raw nilang kunan ng pahayag si spokesperson Ernie Abella, Presidential Communications Officer chief Martin Andanar, and Special Assistant to the President Bong Go. Pero bigo silang makunan ng komento.