Inilarawan noong Martes, ng isang kinatawan ng party-list, ang pagpatupad ng petisyon ni dating Pangulo at incumbent Pampanga representative Gloria Macapagal Arroyo upang bale-walain ang kanyang plunder case sa Sandiganbayan bilang isang "Great Blow" sa sistema ng hustisya ng bansa.
Sinabi ni Kabataan party-list Rep. Sarah Elago, na ang pagpapalabas ni Arroyo ay mag iwan ng di kanais-nais na marka sa imahe ng justice system sa Pilipinas, bilang isang institusyon na nagpapahintulot sa dating pangulo na sangkot sa kasong pandarambong at nananatiling walang parusa.
“Mrs. Arroyo’s eventual release casts a dark shadow over the Philippine justice system – a system that lets political prisoners to remain incarcerated for trumped-up charges for decades, while letting Philippine presidents go scot-free despite being caught red-handed in raiding the public coffers,” Ayon ni Elago sa isang pahayag.
Isinisi ng bagohan na mambabatas ang pagtalaga ng walong husgado sa mataas na hukuman, at sa panahon ng termino ni Arroyo at ng pamahalaang diumano'y “lackadaisical” ang paghawak ng kaso ng dating Pangulo naging kadahilanan para madaliin ang kanyang pagpapawalang-sala.
“By freeing Arroyo from detention, the nation’s justice system is clearly sending this message: if you’re powerful enough, and you have friends and allies all over government, it’s just OK to commit plunder, or any other crime,” Dagdag ni Elago.
Ang walong mga husgado na pumabor sa Pangulo ay sina:
Justice Teresita de Castro, Justice Arturo Brion, Justice Diosdado Peralta, Justice Presbitero Velasco Jr., Justice Lucas Bersamin, Justice Mariano del Castillo, Justice Jose Perez, and Associate Justice Jose Mendoza.