Magtatayo si Vice President Leni Robredo ng mga gusali para sa mga informal settler families (ISFs) sa Metro Manila lalo na sa mga nakatira sa mga waterways upang mailayo ang mga ito sa sakuna tuwing mayroong kalamidad.
Sa kanyang talumpati sa 2016 International Conference On Urban Development: Accelerating Resilience and Inclusive Growth sa Sofitel Philippine Plaza, Pasay City, nais ni Robredo na unang bigyan ng disenteng tahanan ang mga nakatira sa mga estero at iba pang delikadong lugar sa Metro Manila. Sinabi ni Robredo na gusali ang nais nitong itayo para sa mga SFIs at hindi ang nakagawiang row houses na karaniwang sa labas ng Metro Manila itinatayo at malayo sa trabaho ng mga tao.
“Building multi-storey in-city housing will keep workers close to their jobs, lessening their suffering from long commutes, and even help reduce traffic. If we can transform our informal settlements into vibrant, resilient, connected and inclusive communities, then the poor will be able to benefit from, and contribute to, a city’s economic growth and development,” ayon pa kay Robredo.
Gayunpaman, habang ginagawa aniya ito ay dapat na rin ihanda ang mga secondary cities sa bansa dahil base umano sa pag-aaral, 80% sa mga Filipino ay nais tumira sa mga urban areas. Dahil dito, aniya pa, kailangang ihanda ngayon pa lamang ang mga secondary cities lalo na ng mga siyudad na mas mababa kumpara sa Metro Manila cities, Davao City at Cebu City.
Source: AbanteTonite