Tinatanaw na malaking utang na loob ni San Antonio Spurs long time coach Gregg Popovich ang kanyang karera sa NBA kay retired cager Tim Duncan.
Ayon kay Popovich wala siya sa kanyang katayuan sa ngayon kung hindi dahil kay Duncan.
Ang kombinasyon nina Duncan at Popovich ay isa sa mga maituturing na pinaka successful duos sa kasaysayan ng NBA matapos na gumawa ng 1,001 wins.
Sila na rin marahil ang siyang may pinakamaraming panalo na naitala ng isang player-coach combination.
Sa ginanap na news conference, pinuri ni Popovich si Duncan sa pagsasabi na ito raw ang pinaka-totoo at consistent na tao na kanyang nakasalamuha.
"When he speaks it's for a purpose. He led by example," ani Popovich.
Magugunita na kahapon pormal inanunsyo ng koponan ang retirement ng 40-anyos na basketbolista matapos ang kanyang 19 seasons na paglalaro.
Ang 3-time NBA Finals MVP at two-time regular season MVP ay pinangunahan ang San Antonio nang makamit ng koponan ang mga titulo noong 1999, 2003, 2006, 2007 at 2014.
Source: BomboRadyo
