Ang mga Pilipinong mangingisda ay hindi pa rin pinapayagan na mangisda sa karagatan ng Scarborough Shoal, ito'y kahit natapos na ang isang pagpanig ng international court ng maritime case na isinampa ng Pilipinas laban sa China.
Isang team ng ABS- CBN News sumama sa mga mangingisdang Pilipino para sa kanilang pagtatangkang pasokin ang lugar.
"Nakisabay kami dito sa isang grupo ng mangingisdang Pinoy na susubok nga, sumubok sila na magpalaot, isang araw pagkatapos ng arbitral tribunal at susubukan nga nila kung papapasukin na sila sa Scarborough Shoal ," Sabi ni Chiara Zambrano ng ABS-CBN.
Sinalubong sila ng isang Chinese fishing vessel, sumusunod sa kanila at pinigilan sila nito mula sa pagpasok sa lugar sa paligid ng Scarborough Shoal.
"Pero ang lumalabas eh parang, siguro, 40 miles pa ang layo namin mula sa Scarborough (Shoal) eh...sinalubong na kami nitong malaking China Coast Guard ship at binuntutan na nila kami kasi nakikita na nila siyempre ang direksyong tinatahak nitong bangka ay papunta doon sa Bajo de Masinloc," Dagdag pa ni Zambrano.
Panoorin ang kuhang video nila: