July 14, 2016

Arum: Sa Nobyembre 5 ang 'Comeback fight' ni Pacquiao


May nakatakda nang petsa umano para sa comebackfight ni retired eight division world champion Senator Manny Pacquiao.

Kinumpirma ni Top Rank CEO Bob Arum na sasabak muli si Pacquiao sa itaas ng ring sa Nobyembre 5. Nakakuha na rin aniya ang neophyte senator ng permiso mula sa Senate President na maari siyang mag-leave para sa nasabing laban.

Dagdag pa ni Arum, sinabihan umano si Pacquiao ng head ng Senado na puwede siyang mag-absent sa mga sesyon para lumaban, ngunit pagkatapos na lamang umano ng budget deliberation na posibleng matapos sa Oktubre 15.

"He would train in the Philippines and leave on the 16th to come to the U.S., train for two weeks and then come to Vegas," saad ni Arum.

Posibleng sa "Thomas and Mack Center" daw sa pagkakataon na iyon isagawa ang laban ni Pacman sakaling magkaproblema sa availability ng MGM Grand.

Paasa pa ni Leni, na sisiguradohing patuloy parin ang mga residente na maninirahan sa loob ng National Park, kahit sa kabila nito'y, mahigpit itong ipinagbabawal ng batas.

Courtesy: BomboRadyo