Si Sebastiao Ribeiro Salgado ay isang Brazilian photographer. Mabigat-bigat ang kanyang pinagdaanan nang maistasyon para kumuha ng mga litrato na may kinalaman sa Rwanda g3noc!d3. Kaya matapos ang assignment na ito ay napagpasyahan niyang pangasiwaan ang rancho ng kanyang pamilya sa Minais Gerais, katuwang ang kanyang asawang si Leila.
Ang kabataan ni Sebastiao ay punong-puno ng mga magagandang alaala mula sa ranchong ito, dahil berdeng berde ito noon at pinamugaran ng napakaraming wildlife. Subalit parang gumuho ang mundo niya nang sa wakas ay mabalikan niya ito kasama ang kanyang asawa.
Paano ba naman kasi, kulang na sa limang porsyento ng gubat ang kulay berde! Halos nakalbo na nga ito at wala na rin ang mga hayop at wildlife na nanirahan doon at kanyang naging kaibigan bilang bata.
Ngunit napakagandang ideya ang pinalutang ng asawa niyang si Leila, na nag-isip na bakit hindi na lamang nila muling itanim iyong buong gubat na kinalakhan ng asawa? Itinayo nila ng magkasama ang Instituto Terra, isang organisasyon na naglalayong muling maibalik sa dating ganda ang 1,754 ektaryang gubat.
Sa loob ng dalawampung taon ay hindi tinigilan ng mag-asawa ang kanilang mabuting layunin. Ngunit ni minsan ay hindi nila inasahang ganito ang kahihinatnan ng kanilang gubat matapos lamang ang labindalawang taon.
Unti-unti ay nagbalikan na sa dating gubat ang mga kakaibang hayop at maging mga insekto. Ang iba sa kanila ay mga endangered pa, kabilang na rin ang mga unique na mga halaman!
Ano kaya ang pakiramdam ng mag-asawang ito na ang pinaghirapan nila ng dalawampung taon ay nagbunga na nga matapos lang ang labindalawang taon. Maswerte sila dahil may ibang mga tao na buong buhay bumubuo ng mga pangarap, ngunit hindi na nila naabutan ang katuparan ng mga ito. Kaya sana mas maraming tao pa ang mangarap ng ganito kagagandang mga pangarap para sa mas ikakaganda rin ng buong mundo.
Source: MY MODERN MET