May 13, 2019

Misis na May Malubhang Karamdaman, Nakuha Pang Iwan Ang Asawa Para sa Isang Tomboy



Ang mag-asawang sina Crissy at Lienmar Mescallado ay nagdaan sa maraming mabibigat na problema. Una, si Crissy ay nakitaan ng sakit sa bato, at lumala ito hanggang umabot sa Stage 5. Ibig sabihin, tatlong beses na sa isang linggo kinakailangan ang dialysis. Sumunod pa dyan, nagsara ang pinagtatrabahuhang kumpanya ni Lienmar, dahilan upang mahirapan itong tustusan ang lahat ng medikal na pangangailangan ng asawa.

Ngunit hindi pa ang mga problemang iyan ang dinulog ng lalaki sa tanggapan ni Raffy Tulfo. Ang nangyari kasi, simula nang mahirapan siyang tustusan ang asawa ay nagkaroon ito ng relasyon sa isang tomboy. Wala naman sigurong masama na gawin niya iyon kung wala pa siyang pamilya, ngunit sa ganitong set-up ay tila sinira niya na rin ang kanilang pagsasama, at isinama pa niya ang dalagitang anak nang makisama sa tomboy.


Pagpapaliwanag ni Crissy, siya raw ay napabayaan ng asawa at mas naramdaman niya raw ang pag-intindi at pag-aalaga ng tomboy na kanyang kinasama. Ang mahirap pa sa parte ni Lienmar ay wala itong maikakaso sa asawang si Crissy kahit nagtaksil pa ito, dahil kapwa babae ang kinasama. Mayroon lang siyang laban sa legal kung sa lalaki sumama si Crissy.

Ngunit sabi ni Lienmar, hindi naman din nito gustong kasuhan ang asawa. Ang gusto lang naman niya ay magkaayos sila, at maibalik sa dating kabuuan ang kanilang pamilya. Nang humarap sa barangay ay nangako naman ang lalaki na pagbubutihin ang trabaho dahil nag-apply naman na siya at for interview na nga.


Mabuti na lang at lumambot na rin ang puso ng babaeng si Crissy nang umiyak na sa kanyang harapan ang asawa. Halata naman kasing mahal na mahal siya nito, at humingi pa nga ng tawad na hindi agad siya nakahanap ng kapalit na trabaho nang magsara ang lumang opisina. Nang magyakap ang dalawa, parang wala na ngang makahahadlang sa muling pagkabuo ng kanilang pamilya.

Panoorin dito ang buong eksena:



Source: Youtube