May 24, 2019

Akala ng Lahat, Hinalay at Pinatay ng Lasenggong Ito Ang Sarili Niyang Anak. Ngunit Ito Pala Ang Totoong Nangyari



May isang apartment sa bandang Morayta na talagang iniiwasan ng lahat kahit pa mura ang paupa doon. Nakakatakot na kasi ang lugar dahil wala na halos naglilinis, bagamat doon pa rin nakatira ang lalaking may-ari nito. Hindi na raw nito naaasikaso ang lugar simula ng mamatay ang kanyang unica hija. Lagi itong naglalasing at nagkukulong sa apartment nang walang maski isang ilaw.

Ang usap-usapan pa nga ng mga estudyante sa karatig ng paaralan, nagmumulto daw ang anak nitong si Jenny. Hindi raw kasi aksidente ang kinamatay nito. Noong minsan daw kasi ay umuwi si Manong Gerald na lasing at bangag dahil kamamatay lang din ng asawa niyon. Nang makita ang anak na si Jenny, na noon ay anim na taong gulang pa lang, inakala niyang ang asawa nita iyon kaya kanyang napagsamantalahan at napatay.

Hindi raw matahimik ang kaluluwa ng bata dahil sa nangyari sa kanya.


Ang malas lang ni Justinne, naibenta na't lahat ng kanyang magulang ang kanilang kalabaw sa probinsya ngunit kapos na kapos pa rin ang kanyang dalang pera upang makapag-aral sa lugar na iyon sa Maynila. Napilitan siyang tumira at umupa sa nakakatakot na apartment na iyon dahil iyon lang ang kasya sa kanyang pera. Madalas niyang nila-lock ang lahat ng pinto dahil sa takot kay Manong Gerald na lagi pa ring umuuwi nang lasing.

Minsan, sa kalagitnaan ng gabi ay nakakarinig siya ng batang babae na umiiyak. Mahina lamang, ngunit sigurado siyang sa apartment lamang nanggagaling iyon, kahit wala naman talagang ibang nakatira doon kundi sila ni Manong Gerald. Tinitiis niya lang ito ngunit pinangako niya sa sarili niyang lilipat siya ng tirahan oras na makaipon lang siya ng sapat.

Isang umaga, malelate na si Justinne nang malamang wala palang tubig sa buong Maynila nang dahil sa Maynilad. Dali-dali itong kumuha ng timba upang mag-igib ng tubig sa balon na nasa likod lang ng apartment. Iniiwasan niya ang lugar na iyon dahil minsan napapanaginipan niyang doon nanggagaling ang mga iyak ng bata. Ngunit sa kagustuhang hindi ma-late ay nilakasan na lang niya ang loob.


Agad pinagsisihan ni Justinne ang desisyon nang makita niya si Manong Gerald na umiiyak habang tila may kausap sa ilalim ng balon! Hindi kaya... hindi kaya doon niya itinapon ang bangkay ng anak nang mapatay niya ito? Halos tumalon ang puso ni Justinne sa labas ng kanyang dibdib nang mapalingon si Manong Gerald sa kanya, at nakita niyang pulang pula ang mga mata nito!

Aktong susunggaban siya nito kaya sumigaw ng malakas si Justinne! Ngunit malakas na sigaw ng batang babae ang lumunod sa kanyang tinig! Lumingon siya at nakita ang isang batang babae, nasa anim na taong gulang, nakatingin sa kanya habang umiiyak at duguan ang mukha! 

Nadapa na pala si Manong Gerald habang palapit kay Justinne dahil sa sobrang kalasingan! Laking gulat ni Justinne nang tumakbo ang duguang bata sa tabi ng manong!

"Papa? Papa! Gising ka na! Wala kang kang kasalanan. Papa, sorry. Sabi mo, wag akong maglalaro malapit sa balon. Pero ang kulit ko. Nahulog ako. At ikaw pa ang pinagbintangan nilang lahat!" sigaw ng bata. Doon napansin ni Justinne na hindi solido ang bata -- transparent ito at lumulutang pa!

"Anak.. anak ko. Anak ko, patawarin mong hindi kita nabantayan nung araw na yun. Anak.." 

Pagkasabi nito ay hinalikan ng batang babae sa pisngi si Manong Gerald.


"Papa ko, hihintayin kita. Napatawad na kita, noon pa."

Ngumit si Mang Gerald. Ngumiti na rin ang bata bago maglaho.

Napanood ni Justinne ang lahat ng ito at kahit hindi pa rin makapaniwala, nangako itong tutulungang makabangon si Manong Gerald sa buhay pagkatapos ng lahat ng dinanas nito.