May 22, 2019

Dahil Lang sa Simpleng Bagay Na Ito Ay Lumobo ang Mga Tigyawat ni Patricia at Ganito Na Ang Itsura Ngayon!



Ang napakalaking problemang hinaharap ni Patricia ngayon ay nagsimula lang daw sa dadalawang pirasong tigyawat. Noon ay napakaganda at napakakinis ng balat ni Patricia ngunit labis niyang inalala ang dalawang tigyawat na tumubo sa kanyang magkabilang pisngi. Pinutakte niya ito ng mga toner at iba-ibang produkto, ngunit lumala lang ito imbes na mawala!

Hindi niya pa rin ito tinigilan. Ginamitan niya pa ito ng mga pimple patch! Iyon na nga at lalong namaga ang kanyang mga pisngi dahil sa paglobo ng mga tigyawat na nagsimula na ring dumugo at magnaknak. Talagang nakakadiri na iyon tignan kaya nahihiya na rin si Patricia na maglalalabas.


Isang bagay pa ang lalong nagpalala sa kalagayan ni Patricia, at yun ang paglapit nilang mag-ina sa isang albularyo! May pinapahid daw ito sa mga tigyawat ni Patricia, na nagpalaki lang sa tumubong bukol sa mukha ng kawawang dalaga. Lumala rin ang pangangati nito at binabanyusan niya na lang ng mainit na tubig.

Ang sabi naman ng albularyo, si Patricia raw ay nakulam! Isang babae raw ang nakaalitan nito kaya isinumpa na siya raw ay papangit pagdating ng araw! Mabuti na lang at hindi iniinda ng karelasyon ang sakit sa mukha ni Patricia. Isa pa ito sa mga nagpapalakas ng kanyang loob at nagsasabing gagaling din naman daw siya.


Ngunit ito ang pinakanakakatakot na sinabi ng albularyo: hindi raw gagaling ang mukha ni Patricia kung hindi ito makikipaghiwalay sa kanyang karelasyon! Iyon daw ang kondisyon upang mawal ang sumpa!

Kahit masakit ay pumayag na lang si Patricia sa sinabi ng albularyo dahil siya ay desperado nang gumaling! Kapag daw gumaling ang nasa nasa kanyang mukha ay saka na lang sila mag-uusap ulit.

Ngunit iba ang sinasabi ng doktor. Sa tantya nito, two-mor na talaga ang kasalukuyang nasa mukha ng dalaga. Ipinatest na rin nila ang sample nito, ngunit ilang linggo pa bago nila makuha ang resulta.

Panoorin ang kwento ni Patricia dito:



Source: Youtube