May 25, 2019

Daniel Padilla, Wala Raw Balak Magreply sa Ganitong Klaseng Text Na Natanggap Mula kay Alden Richards!



Marami ang nagtaka nang biglang magkaroon ng proyekto sina Alden Richards at Kathryn Bernardo kung saan sila ang mag-love team. Kasunod ito ng pagguho ng tambalang Alden at Maine. Ngunit maraming KathNiel fans ang kinabahan dito, dahil baka makaapekto ito sa real-life love story nina Kathryn at Daniel.

Ngunit sa isang interview, ibinunyag ni Daniel na suportado niya ang nobyang si Kathryn sa bagong proyekto nito, kahit pa hindi siya ang ka-love team ng dalaga. Sinabi niyang trabaho niya bilang nobyo ang tanggapin at intindihin ito. Humanga naman ang maraming netizens sa naging pahayag na ito ni Daniel, ngunit nagtataka pa rin sila kung nakapag-usap na ba sina Daniel at Alden, lalaki sa lalaki.


Sabi ni Daniel sa video sa baba, hindi pa raw nagkakaroon ng pagkakataon na makapag-usap sila ni Alden, ngunit tinext na daw siya nito. Nang tanungin kung nagreply ba siya sa kapwa artista ay sinabi ni Daniel na hindi, at wala raw siyang balak gawin iyon. Sabi niya, "Kayo nga, isipin niyo, anong irereply niyo sa text na ganon?" tanong pa ni Daniel.

Mababakas sa mukha ng batang Padilla na may pagseselos ito sa bagong kapareha ni Kath. Ngunit hindi niya masyadong pinapahalata. Sabi niya, mas maigi daw na sa personal na lang sila mag-usap ni Alden!


Kung kayo ang tatanungin, may dapat bang pag-usapan ang dalawang binata kung trabaho lang naman ang dahilan ng pagkakapareha ni Kath kay Alden? Hindi ba't hindi naman pag-aari ni Daniel si Kathryn kaya pwedeng pwede itong maipares kanino man?


O sa tingin niyo ba ay tama lang na magbigay-pugay at respeto si Alden sa totoong-buhay na nobyo ni Kathryn? Kung kayo si Kath, kikiligin ba kayo sa pagiging protective ni Daniel o maiinis dahil tila binabakuran kayo masyado nito? Panoorin ang video sa baba at sabihin sa amin ang inyong mga komento!


Source: Youtube