Mula sa pagkainis ay kilig na kilig na ngayon ang mga netizens sa karakter ni Andrea Brillantes sa Kadenang Ginto, lalo na sa mga ligawan scenes nila ni Seth Fedelin! Ngunit kung akala ninyong tayo lang ang kinikilig sa dalawa, nagkakamali kayo. Mismong si Seth daw ay hindi mapigilang panoorin ng panoorin ang mga nakakakilig nilang eksena! Sa isang video na kuha mula sa dressing room ay makikitang nakaupo si Seth sa upuan, nakataas ang paa, at nakangiti sa cellphone niya.
Ibinunyag na pinapanood ulit nito sa Youtube ang ligawan eksena nila ni Andrea sa Kadenang Ginto. Nang tanungin kung kinikilig siya, agad namang umamin ang binata!
Namamayagpag nga ngayon ang tambalan ng dalawa, kung kaya't nagdesisyon na ang ABS-CBN network na gawing opisyal ang kanilang love team maging sa labas ng teleseryeng kasalukuyang ginagawa! Labis itong ikinatuwa ng fans nina Seth Fedelin at Andrea Brillantes, o mas kilala na ngayon sa pangalang, SethDrea.
Matatandaang minsan nang nadulas si Seth sa isang interview na matagal niya na raw crush si Andrea kahit noong hindi pa sila nagkakatrabaho. At inamin din niyang gandang ganda siya sa dalaga! Kaya rin siguro hindi matatawaran ang chemistry ng dalawang ito!
Lalo pang pinakilig ng dalawa ang kanilang mga fans nang sila ay pumasok sa bahay ni Kuya at wala nang ibang ginawa kundi magkulitan! Siguradong lahat ng fans nila ay nakangiti habang pinapanood ang mga sweet na sweet na eksena ng dalawa kahit hindi naman talaga sila nagshu-shooting ng teleserye!
Hindi na nga bago sa mga artistang magkatambal ang magka-debelopan sa totoong buhay. Ngunit may pag-asa nga kayang maging totohanan ang pagliligawan ng dalawang ito? Panahon na nga lang siguro ang makapagsasabi. Sa ngayon, ang tanging magagawa na lang natin ay panoorin sila at mag-enjoy sa kanilang mga pakilig moves!
Panoorin ang ilan sa mga iyan sa video na ito:
Source: Youtube