May 21, 2019

Pulubing Lola, Tinanggihan ang Mga Alok ni Idol Raffy Tulfo! Panoorin ang Kanyang Simpleng Buhay!



Maraming tao sa mundo ang hindi nakukuntento sa kanilang estado sa buhay. Karamihan ay naghahangad ng mas magandang buhay para sa kanilang sarili at kanilang pamilya, Ngunit ipinakita ni Lola Norma na hindi materyal na bagay ang sukatan ng kaligayahan sa mundo.

Dumulog si Norma Allianza Oppus, 87 taong gulang, isang pulubi kay Idol Raffy hindi para magreklamo o humingi ng tulong para baguhin ang kanyang buhay. May simpleng hiling ang matanda: ito ay mapagkalooban siya ng isang cellphone na may TV -- kung saan ay mapapanood niya ang kanyang idol araw-araw.

Sa kabutihang loob ni Raffy Tulfo, nagtanong pa siya ng kung ano pa ang mahihiling ng matanda at tumugon ito "Wala na, Pamasahe ko na lang pauwi."


Nagulat si Idol Raffy sa sagot ni Lola Norma. Dahil di tulad ng ibang tinulungan niya, hindi na naghahangad ng iba pa ang matanda. Pinaunlakan ni Idol ang mga hiling ni Lola at nagprisinta pa itong palitan ang kanyang 15 taong radyo!

Kwento ni Lola Norma, simple lang ang kanyang buhay. Mayroon siyang nag-iisang anak ngunit kasama na ito ng kanyang asawa dahil sa sakit. Mag-isa na lang si Lola sa buhay at naninirahan sa kanyang kubo. Para kumita, namamalimos si Lola Norma sa palengke o sa terminal. Inalok ni Idol Raffy ng sariling tindahan ang matanda, ngunit tinanggihan niya ito. Dahilan niya -- pagod na siyang magtinda buong buhay niya; at kung kaya pa niyang maglakad, mas nanaisin niyang maghanapbuhay para sa kanyang sarili.


Hinangaan ni Idol Raffy ang dedikasyon at simpleng buhay ni Lola Norma. Dinala din ng matanda ang staff ni Raffy sa kanyang tinutuluyan/at kung saan siya madalas mamalimos. Ibinida rin ni Lola ang kanyang naipundar na lupa sa sementeryo! Imbis na ipunin ang kanyang pera sa bahay, ninais ng matanda na bumili ng sariling libingan para handa na siya anuman ang mangyari.

Kapupulutan ng aral ang buhay ni Lola Norma. Makikitang kahit siya ay mahirap, kuntento na siya sa kanyang kalagayan at mga mumunting hiling na lang ang kanyang hiningi kay Raffy. Para mapanood ang kanilang tagpo, tignan ang video dito:



Source: Youtube