May 22, 2019

Parloristang Beki, Ginawang Negosyo ng Tambay na Millennial! Lola ng Tambay, Nakuha Pang Magalit!



Nagulat si Raffy Tulfo nang sabihin ng nagrereklamong si Sachi Arriola na pati ang mga regalo niyang tsinelas kay Raizen Arcilla ay nais niyang bawiin! Doon na lang ibinunyag ng parloristang beki na hindi naman kasi basta-basta ang kanyang mga regalong tsinelas. Ang iba sa mga ito ay Lacoste, at Birkenstock. Hindi pa kasama diyan ang mga regalo niyang damit na Oxygen at Uniqlo, at pati na rin mga sapatos na mamahaling Adidas!

Nais na raw bawiin ni Sachi ang mga ito dahil nararamdaman niyang siya lang ang nagbibigay sa relasyon nilang dalawa. Ni minsan daw ay hindi nagpagalaw si Raizen sa kanya, at nagalit pa nang sabihin niyang hindi niya na muna mapapaaral ang binata!


Inamin din mismo ng binata na wala siyang nararamdamang pagmamahal sa beki, at halatang ginagamit niya lang ito para sa mga materyal niyang pangangailangan! Kaya napag-isipan ni Raffy Tulfo na tulungan na lang si Sachi na mabawi ang kanyang mga ginastos, na umabot na raw sa halagang P70,000!

Hindi naman na pumalag pa si Raizen, at ibinalik ang mga bagay na iyon. Hindi niya na nga lang daw maibalik ang mga regalong alahas sa kanya dahil naiwala niya raw ang mga iyon. Labis naman ang sama ng loob ng lola ni Raizen kay Sachi, kung bakit pinaabot pa sa ganito ang hindi nila pagkakaunawaan. Sumbat ng lola ni Raizen, nag-usap daw sila ng matino ni Sachi kaya hindi niya inakalang ipapahiya pa ni Sachi ang kanyang apo. Hindi na raw naisip ni Sachi ang kahihiyan ng binata ngayong alam na ng buong mundo kung ano ang namagitan sa kanila.


Sa kabila nito ay aminado si Raizen sa mga pagkukulang at panggagamit niya kay Sachi, kaya nagpakumbaba pa rin ito at humingi ng tawad. Sana raw ay wala na itong iba pang mabiktima upang wala nang lalapit pa kay Raffy Tulfo upang siya ay ireklamo!

Maging ang kapitan ng kanilang barangay ay nagsabi kay Raizen, na ang relasyon ay isang give-and-take na eksena, kung saan ang bawat isa ay dapat suklian ang pagmamahal ng kapareha, hindi iyong isa lang ang bigay ng bigay habang tanggap lang ng tanggap ang isa!



Source: Youtube