May 29, 2019

Alamin Kung Bakit Hindi Tumatanda ang Babaeng Ito na Taga-Davao, Di' niyo aasahan ang tunay niyang edad.


Nauuso sa social media ngayon ang larong nagpapahula kung ano ang totoong edad ng babaeng ito. Nakakalito naman talaga at ang hirap hulaan, dahil may hubog na ang kanyang katawan na parang sa isang dalaga, ngunit ang mukha niya ay parang mas bagay sa Grade 1 classroom! Hinanap ng team ni Jessica Soho ang kakaibang taong ito, at nahanap nila siya sa Davao.


Nakumpirma nila ang totoong edad ng dalagang nakilala bilang si Alexandra Siang. Kwento nito, hindi na raw bago sa kanya ang gawing katatawanan ang kanyang itsura. Ang hindi niya lang daw gusto ay kapag napupunta na sa kabastusan, kagaya noong may nag edit ng picture niya at ginawang nakahubad!


Mabuti na nga lang at hindi niya nararanasan ang pang-aasar at boollying sa loob ng sariling pamilya. Hinahayaan niya na lang ang mga nang-aasar sa kanya sa school at sa kalsada, dahil sa bahay ay purong pagmamahal lang naman ang pinapakita sa kanya.

May dalawang nakababatang kapatid si Alexandra, na nirerespeto pa rin siya kahit na mas maliit siya sa kanila! Syempre pa, ang nanay ni Alexanra ay laging nakasuporta sa kanya at handa siyang ipagtanggol sa kung sino man. Ito rin ang nagbunyag ng totoong dahilan kung bakit tila hindi tumatanda ang itsura ng dalagang ito.


Sanggol pa lang daw ay nadiagnose na na may sakit ang bata, kaya kinailangan agad niyang mag-kemoteraphy. Ito ang dahilan kung bakit hindi nagmamature ang itsura ni Alex kahit ang katawan niya ay nagmamature na.

Kung sa asaran lang daw ay okay lang naman si Alexandra, ngunit pinoproblema niyang baka raw walang tumanggap sa kanya sa trabaho pagdating ng oras, dahil sa itsura siyang bata at parang wala pang alam sa mundo. Baka nga raw walang sumeryoso sa kanya at lagi siyang ituring na bata, dahil sa ito ang itsura niya!

Alamin ang buong kwento ng dalagang hindi tumatanda dito:




Source: Youtube