Hindi malaman ni Michelle ang gagawin nang malamang siya ay nabuntis. Ni hindi niya nakuha ang pangalan ng lalaking nag-uwi sa kanya pagkatapos ng victory party ng kanilang bagong Mayor! Umalis din siya agad bago pa man magising ang binata, dahil wala namang ibig sabihin para sa kanya ang one night stand na iyon.
Ngunit kahit hindi pinlano ay hindi naisip ni Michelle na ipalaglag ang dinadala. Kahit pa hindi niya na makikilala kung sino ang ama nito, napagpasyahan niyang ipagpatuloy ang pagbubuntis. Makalipas ang siyam na buwan, oras na upang ipanganak ni Michelle ang kanyang baby. Magulang niya ang sumama sa kanya sa emergency room. Hindi niya inasahang ganoon pala kasakit ang mag-labor, ngunit may kung ano sa boses ng kanyang doktor na parang nagpapakalma sa kanya.
Nawalan na ng malay si Michelle at pag gising niya, nakita niyang hawak na ng kanyang nanay ang baby. Naiyak sa tuwa si Michelle nang malamang tapos na pala ang kanyang paghihirap. Lumabas na muna ang kanyang magulang upang bigyan siya ng ilang sandali kasama lang ang kanyang baby. Ngunit biglang pumasok muli ang doktor, at may dalang mga papel.
"Anong ipapangalan natin sa bata?" tanong nito.
"Hindi pa ako nakakapagdesisyon, dok, pwede bang mamaya na lang? sagot ni Michelle.
"Bakit hindi ka kumonsulta sa ama ng bata?" tanong ng doktor.
"Wala siyang ama eh."
"Eh anong tawag mo sa akin?"
Bago pa man maproseso ni Michelle ang sinasabi ng doktor ay hinalikan siya nito. Napakapamilyar ng pakiramdam na iyon. Alam na ni Michelle ang totoo bago pa man maghiwalay ang kanilang mga labi.
"Hinanap kita, pero hindi ko alam kung saan magsisimula. Ni hindi ko nakuha ang pangalan mo!" Umiiyak na ang doktor.
Umiiyak na rin sa puntong iyon si Michelle, dahil ngayon ay nasiguro niyang hindi niya mag-isa lang palalakihin ang anak. Hinanap pa pala siya ng ama nito at malamang ay nagkaroon pa sila ng maayos na relasyon o kasal, kung hindi siya agad umalis nang umagang iyon pagkatapos ng party.


