May 29, 2019

Wow! Super Talino Pala Ni Miel, ang Anak ni Sharon Cuneta! Super Touching Congratulatory Message ni Kiko,



Naaalala niyo pa ba si Miel, iyong batang laging katambal ni Sharon Cuneta sa mga sinauna niyang patalastas noon? Ngayon ay dalagang dalaga na ito, at namamayagpag na rin ang sariling pagkakakilanlan! Hindi man nagtuloy-tuloy sa show business kagaya ng kanyang ate KC, binuhos naman niyo ang lahat ng galing sa pag-aaral, at ngayon nga'y nakatanggap siya ng dalawang pagkilala sa school-- isa para sa English, at isa para sa Filipino!

Talagang genius ang anak na ito ni Ate Shawie, kaya naman proud na proud silang mag-asawa, na talaga namang gumawa ng oras para parehas silang makapunta sa awarding ceremony kung saan kinabitan ng medalya si Miel!


Pagkatapos ng ceremony, nagpost pa si Kiko ng isang nakaka-touch na mensahe sa Instagram kung sasn sinabi niyang:

"Excellence Awards in English and Filipino. Congratulations Yellie! So proud of you. Nagbunga din ang ating araw araw na paglalaro gamit ang wikang Filipino ng bahay bahayan, carinderia carinderia at yung Pretend Play na ikaw si Bantay ang aming alagang Tuta. Aw, aw!"

Talagang napaka-cute ng mensaheng ito, at nagpapakitang ang tagumpay ni Miel ay tagumpay din nilang magulang na nagtyagang magturo sa kanya upang mamayagpag sa eskwelahan! Ngunit wala na sigurong mas cu-cute pa kaysa sa reaksyon mismo ni Sharon Cuneta sa mismong araw ng awarding!


May nalaman pa itong pasayaw-sayaw habang lumalapit kay Miel upang isabit ang medalya nito! Napakalaki rin ng kanyang ngiti habang niyayakap ang anak na talagang nakapagpa-proud sa kanya. Maswerte talaga si Miel na kahit ang nanay niya ay isang artista at ang tatay niya ay senador, hindi nawawalan ng oras ang mga ito para sa kanya.


Sana sa mga susunod pang medalya at pagkilalang tatanggapin ni Miel ay naroon pa rin ang kanyang mga magulang. Bukod naman kasi sa mga pisikal at materyal na pangangailangan, aruga at pagmamahal, kasama na rin ang oras at panahon-- ito ang mga pinakamagagandang maireregalo ng magulang sa kanyang anak.



Source: Youtube