May 15, 2019

Alamin Kung Gaano Na Nga Ba Kayaman Ang Dating Child Star na si Nash Aguas Noon! Silipin Dito.


Hindi lamang ang mga ordinaryong tao ang napahanga ni Nash Aguas sa kanyang wais na paghawak sa kanyang pera at naipong yaman sa ilang taong pag-aartista. Maging ang ibang artista ay tuwang-tuwa sa lahat ng kanyang nakamit sa mura niyang edad. Paano ba naman kasi, 20 anyos pa lang ay nakabili na ito nang napakagandang bahay. At hindi lang ito basta bahay sa Pilipinas, kundi sa Las Vegas sa Amerika!


Kahit ang ilang mga batikang artista, ni minsan ay hindi nakaipon at nakapundar ng bahay sa Amerika! Kaya napakalaking bagay talaga nito para sa batang si Nash. At hindi lang yan ang nakakabilib sa batang ito. Bukod sa bahay ay marami na itong mga businesses, na pinagkakakitaan din niya bukod pa sa mga proyekto niya sa TV at mga endorsements.


Isipin niyong hindi rin basta-basta ang naipundar nitong tahanan sa Amerika. Sa katunayan, ito ay isang three-bedroom house na nakalagak sa kalagitnaan ng tinitirhan ng ilan sa mga pinakasikat na Hollywood stars.

Kung hindi mo mabibisita ang bahay na ito ni Nash ay mabuti pang tangkilikin na lang ang kanyang business sa Pilipinas, na ngayon ay mayroon na ring branch sa Pasig -- ito ang MURAMEN, na kilala sa pagbebenta ng affordable na tonkotsu ramen! Talagang usong-uso ang pagkain ng ramen sa mga kabataan ngayon kaya naman siguradong hit ang business na ito ni Nash!


Sa ngayon ay mayroon nang 8 branches ang MURAMEN, at maging si Neri Naig na asawa ni Chito Miranda ay bilib sa bente anyos na ito. Matatandaang madalas din ipagmalaki ni Chito ang asawang si Neri dahil ito raw ay napaka-wais pagdating sa paghawak ng pera.


Kung silang mga artista ay napakaingat at wais sa paghawak ng pera kahit malaki ang kanilang kinikita sa industriya, marapat lamang na gayahin natin sila lalo na kung hindi ganoong kalakihan ang ating kinikita. Nang sa gayon ay marating din natin at makamit ang mga bagay na mayroon sila!

Source: KAMI