May 15, 2019

Halos Mahimatay Ang Nanay na Ito Nang Ito Ang Makita Niya ito sa Washing Machine



Si Sanela Kamencic ay payapang naglalaba isang araw, nang biglang mangyari sa kanya ang isang bagay na halos ikahimatay niya! Paano ba naman kasi, pagkatapos niyang maglaba ng isang batch ay biglang may bumulaga sa kanya nang hahanguin na ang mga damit na ito! Hindi naman siya sa Australia nakatira kundi sa Illinois, kaya hindi naman talaga siya sanay makakita ng mga ganito.

Ang bagay na tinutukoy dito ay isang ahas! Kakayanin mo kayang makakita ng isang ahas sa loob mismo ng washing machine na lagi mong ginagamit? Mabuti na lang at ang ahas na ito ay hindi isa doon sa mga labis na makamandag o talagang nakakayari.


Sa katunayan, si Penelope ay isang corn snake, isa sa mga klase ng ahas na madalas gawing alaga sa bahay dahil sa maamo naman ang mga ito, at sobrang cute din naman ng itsura. Mabuti ay nakatawag pa si Kamencic sa Evanston Police bago ito tuluyang kabahan at mawalan ng malay. Nagpa-back up naman ang mga pulis sa Chicago Exotics Animal Hospital na siya naman nagsuri sa kalagayan ng mumunting ahas.

Natawa ang doktor nang marinig na nanggaling ang ahas sa washing machine, at nasabi niyang kaya naman pala ito nangangamoy Downy! Natuwa rin naman ang doktor na na-survive ng ahas na ito ang isang wash cycle nang tila hindi nasasaktan!


Ayon sa pag-iimbestiga, si Penelope na corn snake ay alaga pala ng 12-anyos na kapitbahay ng nakakita sa kanya! Yun nga lang, ito ay nakatakas at sa kung paanong paraan ay nakarating nga sa washing machine ng kapitbahay na ito, dahilan upang siya ay makapanggulat ng kawawang kapitbahay na naglalaba lang! Nakakatawa kung iisipin, matapos ang unang hagupit ng gulat na nangyari kay Kamencic! Mabuti at hindi nito naisipang saktan o di kaya'y putulin ang ahas, kundi ay talagang malulungkot ang kanyang batang kaibigan.


Sa ngayon ay nakabalik na si Penelope sa kanyang may-ari, at talagang mabango ang kanyang amoy Downy.

Source: geek.com