Kung ikaw ay isang magulang at may nanampal sa iyong anak, makakayanan mo bang walang gawin kahit konting ganti? Malamang, hindi. Kaya maswerte na rin ang kupal na babaeng ito dahil walang nangyaring hindi maganda sa kanya kahit siya ay nanampal sa mismong araw ng botohan!
Alam nating lahat na nakaka-haggard ang botohan, kahit isa o dalawang oras ka lang naman talagang pipila. Ngunit naisip niyo ba kung paanong mas malupit pa ang araw na ito sa kanilang mga nagbabantay ng ating mga boto? Isa na nga sa mga election staff na iyan ay si Kristin Baconawa.
Hindi niya na nga siguro makakalimutan ang nangyari sa kanya ngayong eleksyon, at kung paano siya sinaktan at binastos ng isang bastos na botante. Nakangiti pa raw si Kristin nang batiin ang babaeng ito, nang bigla na lang siyang tinarayan. Ganito ang naging kanilang usapan:
"Yes po? Botante?"
"Magtatanong ako!"
"Ano ho ba yung itatanong niyo? Sa akin niyo na po tanong."
"Ayoko sayo!"
Kahit nabastos ay ipinagwalang bahala na lang ni Kristin ang nangyari.
Pinuna na lang niya muli ang babae nang umupo ito sa upuang nakalaan sa mga nakapila't naghihintay makaboto. Muli niyang tinanong kung botante ba ang babae dahil may pilang dapat sundin. Agad siyang sinagot nito ng, "Ang yabang netong makasabi na may pila. Bastos! Bastos ka! Balahura kang tao!"
Dahil abala na masyado, tumawag na ng nakamandong pulis si Kristin. Umalis naman agad ang babae ngunit nagbanta pa itong tatawag daw sa tiyuhin niyang barangay captain!
Napagdesisyunan ni Kristin na magtungo sa Principal's Office upang ireport ang pangyayari, dahil parte ng trabaho niya na magpasa ng incident report.
Laking gulat na na naroon na ang babae, at nagsusumbong sa Principal na binastos daw siya ng guro! Dito na rin nga nangyari na habang pinapaliwanag ni Kristin ang kanyang side, ay sinampal na lang siya bigla ng babae. Hindi alam ng babae na nanay ni Kristin ang mismong Principal, at naroon din sa tabi niya ang tatay ng batang guro!
Galit na galit ang mga magulang ni Kristin, ngunit nagawa nilang makapagpigil, dahil siguro mas matitino silang tao at mas disente.
Ngunit hanggang ngayon ay hindi nila mapigilang magalit, dahil sa napakabastos na ginawa ng babae.
Source: KAMI