May 16, 2019

Bilib Ang Lahat kay Awra Bringuela Matapos Nitong Mapatapos ng Kolehiyo Ang Sariling Ama!



Napakarami sa atin ang pinag-aaral ng mga magulang ngunit hindi sineseryoso ang pag-aaral. Habang ang ibang bata, sa sobrang mapagmahal ay sila pa ang nagpaaral sa kanilang mga magulang! 'Yan mismo ang nangyari sa batang artistang si Awra Bringuela. Mula sa kinikita niya sa pag-aartista ay aakalain niyo bang siya pa mismo ang nagpaaral at nakapagpatapos sa ama?

Sa kanyang Instagram post noong April 12 ay halatang proud na proud si Awra sa kanyang tatay na si Oneal Bryan. Mukhang napakasaya rin ng kanyang tatay habang suot ang toga at hawak ang diploma na pinaghirapan niyang makamit sa tulong ng mahal na anak.


Business Managament in Human Resources ang tinapos ni Tatay sa isang paaralan sa Las PiƱas. Hindi basta basta ang kursong ito kaya sinabi ni Awra na saludo siya at ang kanyang mga kapatid na nagawa ng ama. Kung bakit hindi nakapagtapos ang ama noong bata pa ito ay dahil nagdesisyon siyang unahin ang pag-iipon para sa pag-aaral ng mga anak, na bahagyang napaaga ang pagdating sa kanilang buhay.

Wala nga naman nag-akalang mararating ni Awra ang tagumpay na nararanasan ngayon dahil nagsimula lang naman talaga siya sa mga katuwaang video na pinopost online. Kaya noong 2016 ay nagdesisyon si Awra na tulungan ang ama na marating ang mga pangarap na nahinto nang sila ay dumating sa buhay niya.


Tuwang tuwa si Awra sa ama dahil pinaghirapan daw talaga nito ang diploma niya. Tuloy, lalo niyang naturuan si Awra at ang mga kapatid nito tungkol sa kahalagahan ng pag-aaral at edukasyon.

Maraming netizens din ang natuwa at nainspire sa kwento ng mag-ama. Maging ang artistang si Ogie Diaz ay hindi mapigilang humanga sa batang artista. Sino ba naman kasi ang makakaisip na may anak palang kaya at willing magpaaral ng magulang!


Talagang nakakatuwang bata si Awra sa kabila ng kanyang kakulitan na mapapanood dito:


Source: Youtube