Naunang lumapit sa tanggapan ni Raffy Tulfo si Wilbert Ramirez, na nagreklamong nagkaroon daw ng kabit ang kanyang misis! Kumpletos-rekados sa ebidensya ang lalaki at agad napatunayang ang first love nga ni Evelyn ang kanyang naging kalaguyo! Ngunit hindi doon natapos ang kwento -- ngayon ngaý sumugod na rin sa palatuntunan ni Tulfo ang asawa at dalawang anak ni Wilbert upang ipaalam sa mundo ang kanilang panig.
Kwento ng anak na si Wendylyn, hindi raw ang nangaliwang nanay ang dahilan kung bakit nagkawatak-watak ang kanilang pamilya. Si Wilbert daw mismo ang may kasalanan, dahil bukod sa mayroon din siyang kabit ay hindi din daw ito naging mabuting ama at asawa!
Halos hindi magkmayaw sa pag-iyak si Wendylyn, habang ikinukwento ang paghihirap nilang dalawang magkapatid dahil lang hindi magawang maging responsableng ama ni Wilbert. Pagkatapos daw pumasok sa eskwelahan ng walong oras, kailangan nilang magtrabaho ng sampung oras upang matustusan ang kanilang sariling pag-aaral. Ibig sabihin niyan, inaabot na sila ng hanggang anong oras ng pag-uwi habang mahimbing nang natutulog ang kanilang mga kasabayan sa eskwela.
Ngunit sa mga pagkakataong nahuhuli pa sila ng uwi ay binubugbog pa raw sila ng magaling nilang ama, kahit pa hindi naman sila basta gumala o nakipagkita sa kanilang mga nobyo.
Ang pinakamasakit pa para kay Wendylyn, nakita raw mismo nilang magkapatid na mayroong nangyari sa pagitan ng kanilang ama at ng kanilang babaeng kapitbahay. Ano kayang pakiramdam na mabastos ng ganoon bilang anak na babae?
Sinumbat din ng mga bata kung bakit pa pinahantong ni Wilbert na siya ay nagsumbong sa tanggapan ni Tulfo, kung alam niyang magdadala lang ito ng kahihiyan sa dalawa niyang anak na dalaga!
Sa sobra ngang galit ni Evelyn sa nangyari ay halos masaktan niya ng pisikal ang asawa. Mabuti't nakapagpigil pa siya, at nasabi na lang na sa dami raw ng pagkakamali niya sa buhay ay pinakapinagsisisihan niya na na siya ay nagpakasal kay Wilbert.
Panoorin ang mga nakakaiyak na eksena:
Source: Youtube