May 26, 2019

Laos na Singer Na si Jimmy Bondoc, Patuloy ang Pagkalaban Kay Angel Locsin!



Kahit hindi na tuluyang sumikat at hindi na kilala ng mga kabataan sa ngayon, kamakailan ay lumikha ng ingay si Jimmy Bondoc dahil sa isang kontrobersyal niyang post sa Facebook. Matapos kasing mapabalitang balak ipasara  ng Pangulong Duterte ang ABS-CBN network, nagpost si Jimmy Bondoc na ikinatutuwa niya raw ang balitang ito.

'Yan ay dahil  napakarami daw kabuktutang nangyayari sa loob ng network! Sabi ni Jimmy, ang mga sumisikat lang daw sa Kapamilya network ay iyong marunong sumunod sa mga sekswal na pabor. Bago pa man din daw magsimula ang mga contest ay nakatakda na kung sino ang mananalo, dahil ipapapanalo ng mga boss kung sino ang natitipuhan nila.

Maging ang balita ay ibinebenta din daw ng ABS-CBN.


Sa Twitter naman nagreact ang Kapamilya star na si Angel Locsin. Sinabi niyang hindi man perperkto ang ABS-CBN ay hindi pa rin maganda ang sinabi ni Jimmy Bondoc dahil parang natutuwa pa raw ito sa balitang libo-libong mga trabahante ng ABS-CBN ang mawawalan ng hanapbuhay! Napakaunfair naman nga nito. Ginamitan pa ni Angel ng isang linya mula sa kaisa-isang sumikat na kanta ni Jimmy Bondoc ang kanyang tweet, bagay na ikinatuwa ng mga fans ni Angel Locsin!

Ngunit ang nasupalpal na si Bondoc ay hindi pa rin nanahimik! Muli pa itong nagpost, kung saan sinabi niyang tila hindi daw nanintindihan ni Angel ang una niyang post. Paliwanag ni Jimmy, hindi naman talaga kailangang mawalan ng trabaho ang mga magagaling na empleyado ng network dahil lang magsasara ito, dahil pwede pa rin naman daw silang i-retain kung sakaling baguhin lang ang management ng Kapamilya network.




Dito na naguluhan ang maraming netizen, dahil tila biglang nag-iba ang ihip ng hangin. Noong una ay mala-Lucifer ang dating ni Jimmy Bondoc nang sabihin niyang excited na siyang makita ang pagbagsak ng ABS-CBN. Taliwas at napakalayo nga nito sa sinasabi niya ngayon na ang gusto niya lang ay mabago ang management nito!

Ano sa tingin ninyo?



Source: Youtube