Matapos ang pitong taon ay going strong pa rin ang real-life relationship nina Kathryn Bernardo at Daniel Padilla. Hindi matatawaran ang kanilang pagmamahalan, na halatang-halata sa tuwing sila'y magkasama. Kahit nga sa mga formal event ay hindi mapigilang maging sweet at magkulitan ng dalawang ito. Ang ganitong klase ng pagmamahal ay kailangan talaga ng pagpupugay, at iyan mismo ang ginawa ni Kathryn nitong linggo lang.
Sa umpisa pa lang ay sobrang nakakakilig na ang liham na shinare ni Kath sa Instagram! Sinabi niyang marami raw nagtatanong kung paano sila nananatiling in love, at hindi niya raw alam lagi ang isasagot dito. Wala naman daw kasing formula ang pag-ibig. Kailangan lang daw, araw-araw kang magdesisyon na mamahalin ang isang tao at huwag na huwag siyang bibitawan kahit gaano na kahirap.
Inisa-isa rin ng dalaga ang mga ginampanan nang roles ni Daniel sa mga pelikula nila, at kung paanong ang bawat isa sa mga ito ay may pinapaalalang maganda tungkol kay DJ:
"First, I'm thankful that you're a lot like Patrick. You have that natural charm about you that you're not even aware of.
"I'm also thankful of how Gino reminds me of you. You tend to look arrogant at times, but you're actually genuinely kind and always the first person to fight for love.
"I'm thankful that you're like Joaquin, who's always enveloped in some kind of mystery that never fails to draw me in.
"I'm thankful that you're like Dos. You're fun, you're adventurous, and you're such a natural at making people laugh.
"Of course, I'm thankful that you're so much like Primo. You have so much passion in everything that you do and you always work hard for your dreams.
"You're sincerely apologetic when you need to be, and you cherish and prioritize the people you love above all."
Kung talagang fan ka ng KathNiel, siguradong kilala mo ang lahat ng lalaking nabanggit! Ngunit ito talaga ang pinaka-pamatay na bahagi ng liham:
Ano, KathNiel fans.. kaya pa?
Source: Facebook

