May 17, 2019

Huli Sa CCTV: Delivery Boy, Nilantakan ang Inorder na Pagkain ng Customer Niya!



Sa panahon ngayon, lahat na ng bagay ay napapadeliver. Kapag nasa bahay ka o nasa trabaho at busy, pwede ka na lang magpadala ng pagkain para hindi ka na maabala. Hindi mo maiisip na huwag pagkatiwalaan ang mga application o website na ito dahil legitimate naman sila at mga propesyunal ang hahawak sa pagkain mo.

Ngunit nang dahil sa kuha ng CCTV na ito sa China, marami nang nagtataka at napapaisip kung gaano nga ba ka-safe ang magpadeliver ng pagkain. Kahit pa propesyunal ang mga nagpapalakad ng delivery apps at services, mga normal na tao lang din naman ang mismong naghahatid ng pagkain sa ating mga tahanan at opisina, hindi ba?


Kung sa Pilipinas ay mayroon tayong Food Panda at Grab Food, sa China ay mayroon silang application na tinatawag na 'Meituan.' Isang araw, nakuhanan ng CCTV ang isang delivery boy ng Meituan na sumakay ng elevator dala ang pagkain na inorder ng customer. Ngunit ikinagulat ng lahat nang buklatin niya ang plastik ng pagkain at nagsimulang kainin ito!

Ang nakakagulat pa, nang nakakuha at nakakain na ay ibinalik ng delivery boy ang pagkain ulit sa loob ng plastik upang madeliver niya ito na parang walang nangyari! Kumalat ang video at agad na nagalit ang mga netizens dahil sa napaka hindi propesyunal na pangyayaring ito. Hanggang sa umabot sa management ng Meituan ang video, at agad na nasisante ang delivery boy.


Kung sa una ay galit, nang mahimasmasan ang mga nakapanood ng video ay naawa na rin sila sa delivery boy. Sabi nila, hindi naman siguro niya ito gagawin kung hindi siya gutom na gutom, at kung sapat ang kanyang kinikita upang siya rin ay makakain ng tama at nasa oras. Hindi nga ba't napakahirap na naghahatid ka ng pagkain sa mga tao upang sila ay makakain-- samantalang ang sarili mong sikmura ang kumakalam?



Kung ikaw ang makakita nito, maaawa ka ba o magagalit? Paano kung ikaw mismo ang umorder ng pagkain na kinainan ng delivery boy? Maaawa ka pa rin ba sa ganitong eksena? Panoorin dito:


Source: Readers Portal