Tama sigurong asahang lahat ng artistang sikat pa sa ngayon ay nagtatamasa ng magagandang buhay. Ngunit maganda at nakakainspire balikan ang mga kwento mula sa kanilang kabataan, kung saan sila rin ay nagdaan sa matinding hirap ng buhay bago tuluyang yumaman. Ito ang ilan sa mga artista at sikat na personalidad na lumaki sa hirap:
1. Diether Ocampo
Oo, alam naming hindi kapani-paniwala, pero nagsimula lang siyang magtrabaho bilang isang bartender sa isang pub malapit sa ABS-CBN. Napansin lang ng isang talent scout ang kanyang taglay na kagwapuhan kung kaya siya ay na-"discover."
2. Jericho Rosales
Maraming pinagdaanang trabaho si Echo-- kargador, personal driver, at crew sa isang pizza restaurant, bago siya naging isa sa mga pinakasikat na artista hindi lang sa Pilipinas, kundi pati na rin sa buong mundo.
3. Nora Aunor
Nagbebenta lang dati ng mani at tubig ang Superstar na si Nora Aunor. Hindi niya inakalang darating ang araw na magiging isa siya sa pinakatanyag na mangangawit sa buong bansa.
4. Richard Gomez
Nagsimula lang din bilang crew sa isang restaurant si Goma bago naging sikat na leading man noong '90s. Ngayon ay talagang yumaman na ito matapos maging successful sa larangan ng pag-aartista, at maging ng politika.
5. Marc Pingris
Nagbebenta lang dati ng isda at "ice buko" ang ngayo'y sikat na sikat na PBA star na si Pingris. Nakakatuwang malaman na hindi siya nakakalimot, at lagi pa ring bumabalik para tulungan ang dati niyang amo sa palengke.
6. FPJ
Bago magbida sa sarili niyang mga action film ay nagsimula muna bilang double at stuntman si The King!
7. Marvin Agustin
Kaya restaurant ang business ni Marvin ngayong mayaman na siya ay dahil dito siya nagsimula-- bilang isang tindero at waiter.
8. Dolphy
Sinong mag aakalang ang King of Comedy ay dati lamang tagalinis ng sapatos?
9. Willie Revillame
Ngayon nga'y napakarami na niyang mansyon, kotse, at yate.. ngunit noong araw ay hamak na jeepney barker at newspaper boy lamang si Kuya Wil!
10. Coco Martin
Oo, totoo ang mga balitang noon ay nagtrabaho lang bilang janitor si Canda ang ngayo'y namamayagpag na si Cardo Dalisay!
11. Manny Pacquiao
Dati lamang construction boy at tindero ng pandesal at sampaguita ang ngayo'y the People's Champ na sikat at tanyag sa anumang sulok ng mundo!
Source: Ptama