Dahil lumobo na ang utang ng mga magulang ni Karina sa pinagtatrabahuan nitong haciendero, wala silang nagawa kundi umoo nang hilingin ng lalaki na magpakasal ito kay Karina, kapalit ng pag-aabswelto niya sa utang ng mga ito. Kung sa teleserye ay aayaw-ayaw ang mga babae sa ganitong sitwasyon, iba naman ang nangyari kay Karina. Ang totoo kasi, matagal na rin siyang may gusto sa matangkad at matipunong hacienderong kanila ring tinuturing na amo.
Sabik na sabik pa si Karina na sumampa sa kama matapos ang kasal nila. Ngunit dahil kimi at may pagka-conservative pa rin naman ang babae ay naghintay lang ito na si Miguel ang unang kumilos. Ngunit nakatulog na lang siya at lahat ay ni hindi man lang nagdikit ang kanilang mga siko.
Kinaumagahan, napagdesisyunan na ni Karina na ilagay sa sariling kamay ang kapalaran. Tulog pa si Miguel ay sinalat niya na ang alaga nito, ngunit agad ding nagising ang lalaki at nagalit pa sa kanya! Agad tumayo si Miguel at dumiretso sa banyo upang maligo.
Kinuha ni Karina ang pagkakataon na ito upang tawagan ang kanyang ina para humingi ng payo. Sinabi ng ina ni Karina na hindi laging kamay ang damat ginagamit niya. Kung gusto raw nitong makatikim ng matamis na saging ay bibig ang kanyang dapat gamitin.
Naghanda na si Karina matapos marinig ang sinabi ng ina. Hindi na ito nakapaghintay at bigla na lang pumasok sa banyo kung saan naliligo ang asawa!
Laking gulat nito nang makita ang karga ng asawa. Imbes na makakita ng saging, ay tanging napakaliit na sili ang nakita nito! Ang buong akala niya'y hindi lang siya kursonada o di kaya nama'y bakla ang kanyang napangasawa kung kaya't walang nangyari sa kanila kagabi!
Ngunit ngayon ay naintindihan na nitong marahil nahihiya lang ang asawang ipakita ang kanyang tinatagong sikreto. Wala nang nagawa ang lalaki kundi umamin na mayroon itong sakit kaya maliit ang kanyang alaga.
Niyakap ni Karina ang asawa at sinabing wala itong pakialam sa kanyang sikreto.
Ngayon ay masaya pa rin ang dalawa sa kanilang pamilya. Sa katunayan, ngayon ay mayroon na silang labindalawang anak.