May 10, 2019

Umuwi ang OFW na Ito at Di Inaasahang Nahuli ang Mister at Kasambahay Nila na Magkayakap Nang Nakahubad!


Punong-puno ang puso ni Mila nang sa wakas ay makauwi ito matapos mag-OFW nang tatlong taon sa Taiwan. Sabik na sabik itong makasama ang asawa at anak na sanggol pa lang nang kanyang maiwan. Excited din siyang ibalita sa mga ito na hindi na siya babalik pa ng Taiwan dahil nakahanap na rin ito nang mapagtatrabahuan sa Pilipinas.

Sinalubong siya ng asawa't anak, ngunit nagulat siya ng makitang may isa pang babaeng kasama ang kanyang mag-ama. Ipinakilala ito sa kanya bilang bagong yaya ng kanilang anak. Hindi mapalagay ang pakiramdam ni Mila sa kasambahay na ito, sa hindi malamang dahilan.

Kinagabihan, nagulat na lang si Mila nang magising siya at wala ang asawa sa kanyang tabi. Nagtaka siya kung bakit ito umalis gayong ito ang unang gabi nilang magkatabi matapos ang ilang taon. Kinutuban na ng masama si Mila nang makarinig na kalabog sa may bandang kusina. Dahan dahan siyang bumaba upang makita ang nangyayari.


"Ang bango mo, Nikka. Sulitin na natin dahil hindi na raw babalik si Mila sa Taiwan,"

Kahit nanginginig na sa galit ay hinintay ni Mila ang tamang pagkakataon upang ipaalam na nakikita niya ang lahat. Hinintay niyang mahubad ng asawa at ng yaya ang kanilang mga damit, saka niya kinuha ang kutsilyo sa kanilang lamesa sabay sabing,

"Ang bababoy ninyo! Lumayas kayo ngayon kung hindi ay talagang tutuluyan ko kayo!"

Ni hindi na nakapagbihis muna ang dalawa nang tumalilis sila. Iyak ng iyak si Mila magdamag at tumabi na lang ito sa kanyang anak. Napagdesisyunan niyang babalik na lang siya ng Taiwan kasama ang anak upang makalayo sa lahat ng mapapait na alaala kasama ang asawa.

Ilang ulit pang sinubukan ng asawa ni Mila na bumalik sa buhay nila, ngunit hindi na binigyan pa ito ng pagkakataon ng kanyang asawa. Habang buhay nitong dadalhin sa kanyang konsensya ang katotohanang pinagpalit nito ang kanyang pamilya para sa panandaliang kaligayahan lamang.