May 11, 2019

Lumang ID ni Manny Pacquiao Noong Ito Pa Lang Ang Trabaho Niya, Kumakalat Ngayon sa Social Media At Naghahatid Inspirasyon Sa Maraming Kabataan


Kahit saan ka magpunta sa buong mundo, kapag nabanggit mong taga-Pilipinas ka ay siguradong tatanungin ka tungkol kay Manny Pacquiao. Siya na nga ang pinakatanyag na boksingero sa buong mundo, sa ngayon. Maging ang mga hindi sang-ayon sa kanyang pagiging senador at pagpasok sa pulitika ay hindi pa rin naman makaila ang husay niya sa pagboboksing.

Ngunit ang bagay na pinaka-nakakahanga pagdating kay Pacquiao ay kung paano niya naabot lahat ng ito sa kabila ng hirap ng buhay na kanyang nakamulatan. Ngayon nga ay viral sa social media ang lumang I.D. ni Pacquiao noong hindi pa boxing ang pinagkakaabalahan niya sa buhay.


Ayon na rin sa mga kwento ng kanyang inang si Dionisia, bago pa magbinata ay may hilig na sa boksing si Manny Pacquiao. Kaya nga lang, bilang ina, hindi niya agad nasuportahan ang gusto ng anak. 'Yan ay dahil napakadelikado ng boksing at isa pa, wala naman silang ganoong kalaking kayamanan para maipasok ang anak sa isang tanyag na training gym para sa boksing.

Kaya habang hindi pa naaabot ang pangarap ang desisyon si Manny Pacquiao na kumuha muna ng ibang trabaho upang masuportahan ang sarili at makatulong na rin sa pamilya. At pinapatunayan ng lumang I.D. na ito ang mapagpakumbabang simulain ng People's Champ.


Hindi nga alam ng marami na minsang naiging construction worker ang Pambansang Kamao. Nakakatawa na siguro para sa kanya isipin ang panahong iyon pagkatapos ng lahat ng tagumpay na nakamit niya na, ngunit para sa atin ay napakalaki nitong inspirasyon upang pagsumikapan at huwag tumigil hanggat hindi pa naabot ang pangarap.

Sa kung paanong hindi tinigilan ni Pacquiao ang pangarap na maging boksingero kahit noong panahong maghapon itong nagtatrabaho sa construction, dapat ay hindi rin natin kalimutan kung ano talaga ang pangarap na gusto nating maabot. Kahit pa mayroon tayong mga trabaho na kinuha lang natin dahil nasasagot nito ang ating mga bayarin, hindi tayo dapat tumigil.



Source: Definitely Pilipino Balita