May 30, 2019

Isang Kawawang Nanay Na Naman ang Pinagtulungang Bastusin ng Kanyang Mga Anak! Panoorin Dito.



Masama man ang loob, una pa rin sa isipan ni aling Edelyn Pureza ang kapakanan ng kanyang dalawang anak. Sabi niya, di bale nang siya ang mawalan ng bahay basta't may matutuluyan ang dalawa niyang anak. Nang tanungin ni Raffy Tulfo kung bakit hindi na lang sila magsama-sama sa loob ng kanilang bahay, ikinuwento na ni Edelyn kung paano nagsimula ang hidwaan nila ng kanyang mga anak.

Namatay na raw ang ama ng dalawa niyang anak, at sa kanila napunta ang bahay na pagmamay-ari nito noong nabubuhay pa siya. Ilang beses lang daw siyang pumunta doon ngunit pinagbagsakan pa siya ng pinto at gate ng mga ito! Ayaw din namang ipakuha sa kanya ang mga gamit niyang nasa loob pa.


Dito pa lang ay kumulo na ang dugo ni Tulfo, at sinabing hindi uubra ang ganoong mga galawan sa sarili niyang ina! Bwelta naman ng binatang anak ni Edelyn, punong-puno na raw sila dahil kung sinu-sinong lalaki raw ang iniuuwi ng kanilang nanay sa bahay na iyon! Paliwanag ni Edelyn, isang beses lang siyang nakapagsama ng lalaki doon, at driver pa! Nakiusap lang daw si Edelyn na ipagmaneho siya noon papunta sa hearing ng kanyang asawa, na nabaril pala kaya namatay.


Sagot naman ni Raffy, kahit ano pa ang pagkukulang ni Edelyn bilang ina ay wala pa ring karapatan ang mga anak nito na palayasin siya sa bahay na siya ang tamang may-ari! Kaya naman sinamahan ng team ni Tulfo si Edelyn sa barangay upang mapag-usapan na nilang mag-iina ang magiging set-up nila sa bahay.

Ang dalagang anak ay agad namang nakipag-ayos sa kanyang ina at pinangakong kasama ito sa mga plano niya, at syempre naman daw ay maaari itong umuwi sa kanilang bahay dahil may isang buong kwarto naman siya doon.


Panoorin dito ang iba pang makabagbag-damdaming tagpo mula sa kwentong ito:



Source: Facebook