Kung ayaw niyong makinig sa mga misis ninyo kapag kayo ay inuudyukan nila na tumulong naman sa gawaing-bahay, baka naman ngayon ay makinig na kayo dahil doktor na mismo ang nagsasabing makakatulong ito sa inyo! Sa pag-aaral ni Doctor Huang Wei Li ng Taiwan, tatlong malalaking benepisyo ang makukuha ng mga lalaki sa simpleng pagtulong lang sa kanilang misis pagdating sa gawaing-bahay!
Unang-una sa mga benepisyong iyan ang mas mataas na EQ. Kapag natuto kang maki-simpatiya sa asawa mo sa hirap ng pagpapanatili ng bahay, nadadagdagan ang iyong emotional intelligence at makakatulong din ito sa pagmamanage mo ng stress!
Makakatulong ito nang labis na mas mapabuti ang relasyon ng dalawang mag-asawa!
Pangalawa, nakakabuti rin sa kalusugan ng katawan ang pagtulong sa gawaing-bahay pagkatapos ng maghapon na pagtatrabaho sa opisina! Pinakamaigi din daw na ginagawa ito matapos ang hapunan. Lubos daw na nakakasama sa kalusugan ang pag-upo at pagnood lang ngg TV matapos ang isang buong araw ng pag-upo sa harap ng computer.
Kung hindi na kaya ng budget o ng oras na makapunta pa sa gym araw-araw, ito na raw ang pinakamahusay na alternatibo sa isang buong workout! At alam natin kung ano ang kasunod ng pagkakaroon ng malusog na katawan! Susunod na rito ang isang magandang pagsasama ng mag-asawa.
Sa kabuuan, isang buong lifestyle ang mababago ng simpleng pagtulong ng mga mister sa gawaing-bahay ng kanilang mga asawa! Pero sa totoo lang, hindi naman na dapat pinag-uusapan pa kung dapat bang "tumulong"ang mga mister sa gawaing-bahay! Hindi naman kasi talaga gawain lang ng mga misis ang pagpapanatili ng bahay!
Kung nakatira ka sa iisang bubong kasama ng asawa mo, edi dapat lang naman na gawin mo ang kalahati ng lahat ng gawain sa bahay! Hindi ito "pagtulong" sa gawain ng iyong misis, kundi paggampan sa responsibilidad mo bilang disenteng asawa at disenteng tao!
Source: KAMI