May 31, 2019

Isang Nanay Na Naman Ang Napalayas Ng Kanyang Bastos na Anak Dahil Lang Napaaway Ito sa Kanyang Manugang!



Isang nanay ang mapapakinggan sa video na ito habang ikinukwento ang masakit na pangyayaring nag-udyok sa kanyang sariling anak na palayasin siya sa bahay nila! Gumawa-gawa raw kasi ng kwento ang asawa ng lalaki na pinagbuhatan daw siya ng kamay ng matandang babae. Bilang mister, naisip siguro ng lalaki na hindi makabubuti sa pagsasama nila kung sinasaktan ng kanyang ina ang manungang nito!

Ngunit sana rin ay naisip ng lalaki na kunin muna ang panig ng kanyang sariling ina. Dahil ayon sa anim na minutong video na ito, hindi akma sa totoong pangyayari ang ikinanta ng manugang niya.  Ni minsan daw kasi ay hindi niya sinaktan iyon o pinagbuhatan ng kamay.


Inamin naman ng matandang babae na nagkaroon sila ng hindi pagkakaunawaan ng asawa ng kanyang anak, ngunit napakaliit lang daw na bagay ang kanilang pinag-awayan. Napagsabihan lang daw niya ang babae na ayusin at sinsinin ang pagtatapon sa mga diapers ng anak nito dahil ang bata  rin naman ang magkakasakit kapag hindi  nailigpit ng  maayos ang duming iyon.

Imbes raw na tanggapin ng babae ang payo ng kanyang biyenan ay nagalit lang daw ito at sinabing huwag makialam kung mabaho man ang basura ng diaper ng kanyang anak, dahil mas mabaho pa rin naman daw ang kalat at mga niluluto ng matandang babae!


Sana talaga ay inalam muna ng lalaki ang tunay na nangyari bago niya inutusan ang sarili niyang ina! Oo nga at may sarili na siyang pamilya at dapat din namang  nakabukod na sila, ngunit hindi kailanman magiging tama na ang iyong asawa ay sasagot-sagot sa iyong ina! Kung inalam niya lang ang tunay na nangyari ay nalaman sana niyang ang kanyang nanay, na nagpakahirap na iluwal at palakihin siya, ang siya pang naagrabyado sa sitwasyon na ito!

Panoorin ang buong hinaing ng nanay na ito sa video na ito. Siguraduhing may hawak hawak kayong  tissue:



Source: Youtube